Chapter 45

151K 2.8K 59
                                    

Enjoy this chapter. Kakasimula pa lang ng sem break namin at kakatapos lang ng finals kaya nagfocus muna ako sa mga test ko. Sorry kung hindi nakapag-update agad.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

~¤💞¤~

Tumingin ulit ako sa mga nagkikislapang mga ilaw sa baba ng may maramdaman akong malamig na bagay sa leeg ko. Hinawakan ko ito at tiningnan. Isa itong singsing na ginawang pendant.

Humarap ako kay Clyde, "Bakit mo ako binigyan nito?"

"May dahilan ba para bigyan kita ng ganyan?"

"Clyde. Seryoso ako sa tanong ko." Hindi ko matatanggap ito. Alam naman niya ang desisyon ko sa bagay na ito.

"Hayaan mo munang nakasabit ang singsing sa leeg mo para maaalala mo na handa akong maghintay sa sagot mo, Cassandra."

Sa mga sinabi niya ay hindi ko maiwasan na makonsensya. Ang singsing na binigay niya ay isang engagement ring kaya hindi ko kayang tanggapin. Alam niyang hindi pa ako handa pero sa ginawa niya ay mas lalo kong naramdaman kung gaano niya ako kamahal.

Ang lahat ng mga ginagawa niya ay laging nagpapasaya sa akin pero wala pa akong nagagawa na magpapasaya sa kanya. Kahit hindi man niya sabihin ay alam kong may mga bagay na gusto niya na hindi ko maiibigay. Pero gusto ko pa ring subukan kung may kaya akong gawin para sa kanya.

"Clyde, Can I ask you something?"

"What is it, baby?"

"If I will grant one of your wish tonight then what will it be?"

"Marry me right now."

Sabi na nga ba. Sinimangutan ko siya. Natawa ito. Ang ayos ng tanong ko tapos tatawa lang siya.

"Sorry, baby. I wanted to see your reaction even though I was serious a while ago."

"May sinasabi ka?" Umiling ito.

Kumuha ito ng dalawang glass at nilagyan ng wine. Binigay sa akin ang isa.

"Akala ko ba bawal akong uminom,baby?"

"Gusto ko kapag ginawa mo ang isang bagay na hindi mo pa nagagawa ay kasama mo ako. Kapag nalasing ka, nandito ako para buhatin ka kapag hindi mo na kayang lumakad."

"Iyon lang ba talaga ang rason?" Pakiramdam ko ay meron pang iba sa tono ng pananalita niya.

"Ayokong may hahawak sayo kaya hindi ka dapat sumasama sa kahit sinong kakilala mo."

"Kahit kaibigan?"

"Oo. Kahit kaibigan dahil meron posibilidad na may gawin sila sayo kapag pareho kayong lasing."

"Paano kapag tayong dalawa ang lasing? Walang kang gagawin sakin?"

Umiwas ito ng tingin at parang ayaw sagutin ang tanong ko. Tama ang nasa isip ko na may iba pa siyang motibo sa pagbabawal sa aking uminom.

"Clyde..."

Huminga muna ito bago sumagot, "Masama bang gusto kong ako lang ang makakita sayo kapag nalasing ka? May nabasa akong article about women's behavior when they got drunk."

"Ano naman iyon?"

"When they got drunk, they became clingy to someone who were with them and do a lot of things which was unusual."

Umiiral na naman ang pagiging possessive niya. Kahit alam kong ganoon na siya ay hindi ako masanay. Iba ang ugali niya kapag nasa trabaho at kapag kasama ako.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon