Chapter 34

162K 3.1K 59
                                    

I am feeling so tired after my classes on saturday. 3 hours per subject. Sumasabog na ang utak ko sa mga lessons at review. Dont forget to leave your comments. Pwede ng stress reliever ang mga comments niyo. :)

My other stories:

My Snobbish Heart- Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

****************

Nagising ako na wala na si Clyde sa tabi ko kaya tiningnan ko ang orasan para malaman kung anong oras ako nagising. Maaga pa naman kaya tumayo na ako at pumunta ng banyo para ayusin ang sarili ko.

Naabutan kong nagbabasa ng mga files si Clyde sa dining table habang umiinom ng kape. Mukhang kanina pa ito gising.

"Good morning, baby" ang sabi nito na hindi ko namalayan na nakatingin na pala siya sa akin.

"Good morning rin, baby. Anong gusto mong almusal, Clyde?"

"Ikaw na ang bahala." pinagpatuloy lang nito ang pagbabasa at nagpunta na ako sa ref. para maghanap na pwedeng iluto. Kumuha ako ng hotdog, bacon at egg. Magsisinangag ako para makakain ng maayos si Clyde.

Nang matapos ako ay hinanda ko na at nagsimula na kaming kumain. Naalala ko na kailangan kong magpaalam sa kanya. Kailangan kong pumunta sa orphanage.

"Baby, aalis ako ngayon." natigilan ito at tumingin sa akin.

"Saan ka pupunta?"

"Sa orphanage. Nagkulang ang mga volunteers ngayon at may program pa naman kaya nangangailangan sila sister ng mga taong tutulong sa kanila. Pwede ba akong umalis?" napabuntong-hininga siya.

"Ok lang naman. Gusto man kitang samahan pero marami akong dapat tapusin ngayon. Susubukan ko na lang na humabol, baby."

"Hindi mo naman kailangan samahan ako kung busy ka. Alam ko naman mas kailangan mong magfocus sa company mo."

Natapos na kami at niligpit ko na ang mga pinagkainan namin. Naghuhugas ako ng mga pinaggamitan namin ng maramdaman kong may pumulupot na mga braso sa bewang ko.

"Hintayin mo ako dun at gagawa ako ng paraan para makahabol ako, baby."

Alam kong gagawin niya ang sinabi niya. Hindi ko rin siya mapipigilan sa mga gusto niya.

Papunta na ako sa orphanage. Pagkatapos kasing sabihin ni Clyde iyon ay nagpunta na siya sa office niya at umalis na rin ako para mas maaga akong makapunta at makatulong kay sister.

Naabutan kong inaasikaso ng mga volunteer ang mga upuan na gagamitin. Dumiretso ako sa loob at hinanap si sister. Nakita ko siya na nasa kusina at inaasikaso ang mga pagkain.

Napansin niya ang pagdating ko at ngumiti itong sinalubong ako, "Nandito ka na pala, iha. Pasensya ka na kung pinatawag kita ngayon. Alam kong busy ka at nakaabala pa yata ako sa iyo."

"Wala po iyon. Hindi naman po ako busy ngayon. Gusto ko rin pong makatulong. Para po saan yung program ngayon?" Hindi naman nasabi sa akin basta may nagtext lang kung available ako ngayon.

"Dadating ang mga sponsors ng orphanage kaya naghanda kami ng program sa pagdating nila." Kaya pala sobrang busy nila.

Tumulong na rin ako sa pag-aasikaso ng pagkain. Ang iba ay tapos na rin sa mga ginagawa nila. Hindi muna hinayaan ang mga bata lumabas ng mga kwarto nila. Pinaayos na rin sila dahil sila ang isa rin na titingnan ng mga sponsors.

Nakaayos na ang lahat at isang oras na lang ang hihintayin at dadating na ang mga hinihintay namin. Tutulong rin ako sa pag-aasikaso ng mga bisita dahil hindi na magagawa ni sister.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon