Chapter 58

184K 3.4K 222
                                    

Merry Christmas 😊 Sa nagmessage sa akin na ipadedicate ang chapter na to. Phone lang ang gamit ko kaya ilalagay ko na lang ang name mo dito. May nabasa rin ako na gustong maging Clyde si Lee Min Ho. 😄 Don't forget your comments, guys.

Harrylene_24

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Ilang linggo na ang nakakalipas ng matapos ang bakasyon/pagpapahirap kay Thalia. Ang pinaka nag-enjoy doon ay si Kim. Sinulit niya hanggang sa huling araw ay hindi niya tinantanan ng utos ang kababata ni Clyde. Wala namang ginagawang aksyon ang boyfriend ko kahit nahihirapan na ito, kahit nagsumbong na siya sa mga pinapagawa sa kanya, dedma lang siya.

Hindi na rin naulit na nakapagsuot ako ng swimsuit. Binabantayan ni Clyde ang mga susuotin ko, minsan nga nakahanda na ang damit ko pagkatapos kong maligo. Nadala yata sa suot kong red na swimsuit. Hindi siya umalis sa tabi ko at kahit saan kami magpunta ng mga kaibigan ko ay nandoon siya.

Bumalik na rin ang buhay namin sa normal. Pumapasok na sa office kaming lima. Hindi na rin nalaman ng head namin ang nangyari. Wala kaming balak sabihin ito sa kanya ang mas mahalaga ngayon ay nakakapagtrabaho ulit kami sa Villacorte.

Nakakabagot ngayon sa penthouse. Wala akong makausap. Yung kasama ko kasi nagkukulong na sa office niya. Malapit na rin kasi yung project nila ni Alex. Halos doon na siya natutulog kaya wala rin akong katabi sa pagtulog. Nakakamiss rin ang mga pangungulit niya, nasanay na akong siya ang nakikita ko kapag gumigising ako. Unan na lang niya ang nakakatabi ko.

Pupunta na lang ako sa mall. Dumaan ako sa office niya. Kumatok ako at narinig ang boses niya sa loob. Sumisigaw ito, may kaaway ba siya?

"Damn, I want to know who is it! Gawin niyo ang lahat para malaman kung sino ang nagbibigay ng impormasyon sa project ko!" sigaw nito.

Binaksak niya ang cellphone niya sa table. Wrong timing ang pagpasok ko. Lalabas na sana ako kaso nakita na niya ako.

"Baby..."

Lumapit ako at hinawakan ang pisngi niya. Napansin ko ang pangingitim ng ilalim ng mga mata niya sa sobrang puyat.

"May kailangan ka ba?" Tumayo ito at umupo kami sa couch. Napahawak siya sa mukha niya at napapikit. Kailangan niyang magpahinga.

"Magpahinga ka muna, Clyde."

"I'm okay. Sanay na ako sa ganito. Mas mahirap nga lang na may nagbibigay ng impormasyon sa project ko. Bakit ka pala nandito?"

"Magpapaalam lang na pupunta ng mall."

"I'm sorry, I can't come with you."

"You don't have to say sorry, baby. I can take care of myself." ngumiti ito. Binibigay niya ang card niya pero hindi ko tinanggap. Hindi naman ako bibili ng kahit ano, maglilibang lang.

Lumabas ako ng Villacorte at sumakay sa taxi. Sa may kalayuan akong mall pupunta para maraming oras ako sa labas. Mag-iikot lang naman ang gagawin ko. Pagkapasok ko sa mall, napadpad ako sa bookstore. May section doon na puro magazines ang nakalagay. Kinuha ko ang tungkol sa bachelors ng bansa. Binili ko at naghanap ng lugar na pwede ko itong basahin. Hinanap ko ang article tungkol kay Clyde.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon