Chapter 5

295K 7.3K 914
                                    

Nandito na ako sa tapat ng pinto ng opisina ni sir Clyde pero hanggang ngayon ay wala ako ng lakas ng loob para katokin yung pinto. Tiningnan ko ang aking relo at nakitang 7: 25 pa lang. Nasanay na kasi akong maagang pumasok pero ngayon ko lang naramdaman na hindi ako excited pumasok.

Kasi naman naalala ko yung nangyari kahapon lalo tuloy akong nailang. Hindi ko na alam ang gagawin ko papasok ba ako o mamaya na lang 8 am. Kung hindi lang talaga nangyari yun papasok na talaga ako.

Flashback

Hindi ako makagalaw sa posisyon ko kasi nga maling galaw lang ng isa sa amin ay maglalapat na ang aming mga labi. Tiningnan ko naman si sir Clyde kung may balak ba siyang lumayo man lang pero nakatingin lang siya sa mga labi ko. Hindi nagtagal ay unti-unti siyang lumalapit sa akin. Hindi naman sa assuming ako na hahalikan ako ni sir Cyde pero yun lang yung nakikita kong posibleng mangyari ngayon. Ang naisip ko na lang na solusyon para masolve ang problema namin sa 'space' ay ako na lang ang lumayo.

Pag- atras ko ng ulo ko ay napalakas ang pwersa na ginawa ko at ang resulta ay nauntog lang naman ako sa pinto. Napaupo ako at himas himas ang aking ulo. 'Ang sakit!!'. Napikit ko na ang mga mata ko.

" hahahahaha....."

Tumingala ako at nakitang tawa ng tawa si sir Clyde. Kainis naman eh. Siya ang may kasalanan nito. Tumayo na ako at tiniis ko na lang yung kirot ng ulo ko at taas noong nagpaalam.

"Goodbye, sir"

Lumabas na ako at naririnig ko pa rin yung tawa niya mula sa loob. Puro na lang kahihiyan ang inaabot ko ngayon.

Flashback end

'Hingang malalim Cassandra, kaya mo yan! Papasok ka lang na parang walang nangyari and be professional to your boss.'

Tama ganoon ang gagawin ko. Kalimutan ang kahihiyan at umakto ng normal.

" Bakit hindi ka pa pumasok?"

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko siya. Hindi siya nakaformal suit ngayon. Naka v- neck T-shirt siya at short lang. Mukhang bagong ligo siya dahil basa pa yung buhok niya.

"Good morning, sir"

" Good morning rin. Kanina ka pa nakatayo diyan sa tapat ng pinto pero bakit hindi ka pa pumapasok?"

Patay kanina pa yata siya. Narinig niya kaya yung pagkausap ko sa sarili ko? Binuksan niya yung pinto at sabay na kaming pumasok.

" Miss Del Rio, this is the contract. You can read it first before you sign it."

Inabot ko na yung kontrata at umupo sa isang upuan malapit sa table niya. Pagbukas ng folder nakalagay ang salitang 'confidential'. Nilipat ko yung pahina at nakita ko yung nilalaman nito.

This contract is between Mr. Clyde Gabriel Villacorte, CEO of the Villacorte group of companies and Ms. Cassandra Sabrina Jane Del Rio, the applicant. The said applicant should obliged herself to comply  with all the rules that Mr. Villacorte made.

1.Follow all my instructions.

2. You should be always available for me.

3. I want your full attention.

4. You will go with me when I have out of town meetings.

5. Don't talk to other people without my permission.

6. You will always tell me where you are.

7. Be there whenever I need you.

8. No more questions when I asked you to do something.

9. You will not say other names when we are together.

10. I want you to be honest with me.

This will be a confidential contract between the involve persons. No one shall discussed this agreement to other people or else,the one who violated the said condition shall be punish by the other person.

Natapos ko ng mabasa yung nilalaman ng contract and I felt that there was something wrong with this contract. Parang wala na akong privacy kung susundin ko lahat ng nakasaad dito. Lahat ng mga gagawin ko dapat alam at lahat ng gusto kong puntahan dapat sabihin ko sa kanya.

Pagiging secretary ba talaga yung trabaho ko o pagiging girlfriend niya? Kung pipirmahan ko to hindi ba dehado ako nito? Tumingin ako sa kanya para magtanong.

"Sir Clyde, sigurado po ba kayong ito talaga yung contract na pipirmahan ko?" Baka malay ko nagkamali lang siya ng bigay o na mali lang siya ng pagpapagawa niyo sa lawyer niya.

" Is there something wrong with it?" Nagtatanong ka pa at alam kong bago mo binigay sakin to nabasa mo muna.

Hindi tuloy ako makapagdecide kung pipirma ba ako o hindi. Pero kung iisipin ko parang pagiging girlfriend ang pinapasok ko nito. Kung totoo lang sana eh di kanina ko pa to pinirmahan. Siyempre di na ko talo kung magiging girlfriend ako ng isang super hot bachelor ng bansa.

Stop thinking such thing Cassandra. You will just his secretary. Nothing more, nothing less. Ok na nga. Mapirmahan na wala naman akong choice kailangan ko ng pera ngayon.

Kinuha ko na yung pen na nasa table niya at pinirmahan ko na. Wala ng atrasan to. Binigay ko na yung folder sa kanya.

" You made the right decision and you will call me Clyde when we are working together, understood?"

"Yes, sir Cly- I mean Clyde"

"Good that we understand each other and now----"

You are mine.

____________________________
Sorry kung ngayon lang ako nakapagupdate marami kasi akong exams. Salamat po sa pagbabasa ng story ko and check my other stories if you like. Sa susunod ulit.

Do vote, leave a comment and follow me.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon