Chapter 16

263K 5.8K 199
                                    

Sobrang natawa ako sa mga comments ng iba. Ito po ang pambawi ko sa mga readers ko. Comment po ulit at magvote.Sorry kung may wrong grammar kasi hindi ko na nacheck.Enjoy reading.

My Snobbish heart-Teen Fiction

The Black Angel- Fantasy

Do vote, comment and follow me.

****************

Dalawang araw na ang nakakalipas mula ng huling makita ko si Clyde. Hindi na siya biglang sumusulpot sa office o hindi naman ay ipapatawag ako kay Sarah. Inisip ko baka binigyan niya ako ng space para makapag-isip sa itinanong niya noong huling pagkikita namin. Dapat masaya ako kasi finally matatahimik na rin ako kahit ilang araw lang kaso wala yata sa vocabulary niya ang hindi tumigil na magparamdam sa akin.

Flashback

"Will you let me court you, Cassandra?"

Nakita ko sa mga mata niya na gusto na niyang marinig ang magiging sagot ko. Kaso meron pa rin akong doubt na baka katulad lang siya ng iba. Mapaglaro sa mga babae. Ayokong maging padalos-dalos sa magiging desisyon ko at baka ako rin ang masaktan sa huli.

Napabuntong-hininga ito at ngumiti. "You don't have to answer me right away but I hope that you can give me your answer when I see you again."

Kinabukasan, ang unang taong nakita ko sa pinto ng office ay si Kim. Mukhang may hinihintay siya pero ng makita ako ay bigla na lang niya akong hinatak para pumasok na sa loob. Kami pa lang ang tao. Pero nagtaka ako kung bakit ang aga niya?

"May hindi ka sinasabi sa amin,Cassandra!"

"Ha? Ano bang yang sinasabi mo?" Hindi siya nagsalita at lumapit sa isang mesa at may kinuha.

Pagkalapit niya sa akin. Ang hawak niya ang nakakuha ng atensyon ko. Isang malaking rosas na kulay pula.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon