Chapter 23

230K 3.9K 106
                                    

Sorry talaga sa sobrang late na update ko. Katatapos lang ng finals namin kaya kailangan kong magfocus na magreview kaya hindi agad nakapag-update. Sinamahan pa ng walang pumapasok sa utak ko na dapat kong isulat kaya hindi ako makapag-update. Worth it ba ang paghihintay sa update ko? Leave your comments and suggestions kung meron. :) Next update ko ay magdedicate ako sa mga magcomment sa chapter na to.

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

************

Sa mga nakalipas na linggo ay bumalik na sa dati ang takbo ng buhay ko. Walang issue, wala na akong naririnig mula sa ibang tao at hindi na muling pinag-usapan ang tungkol sa akin. Kinalimutan ng lahat sa takot na mawalan ng trabaho dahil sa banta ni Clyde.

Wala pa ring nakakaalam ng tungkol sa relasyon namin kahit mag-iisang buwan na kami. Hindi ko man gustong itago ito sa lahat pero mas maganda na ito. Alam kong pinagbibigyan lang ako ni Clyde pero alam niyang may dahilan ako kung bakit ko ito hiniling sa kanya.

"Ang ganda ng ngiti ng isa dyan. Baka mahipan ng masamang hangin at hindi na bumalik sa dati" binaba ko ang note na binigay ni Clyde kasama ng rose na laging niyang binibigay tuwing umaga.

"Baka naman may sinabi na naman si sir Clyde kaya ganyan ang ngiti niya" sabi ni Kim. Bakit ako na naman ang nakita nila.

"Patingin naman ng note ni Sir" binigay ko kay Laurel. Habang binabasa niya ay nakita kong napangiti din siya.

"Grabe talaga ang mga sinasabi ni sir. Hindi mo aakalain na ganito siya. Istrikto sa lahat pero ang sweet pagdating sayo. Ikaw na talaga,Cassandra" napangiti ako sa sinabi niya. Sila rin pala napansin rin.

"Pabasa nga,Laurel. At nang malaman ko kung bakit ganyan ka makapagreact sa simpleng note lang" binigay ni Laurel ang note kay Kim. Hindi naman interesado yung dalawa kay Clyde at hindi kami pinapansin.

Hindi talaga mawala ang ngiti ko sa note ni Clyde. Nang naging kami ay lalo siyang naging sweet katulad na lang ngayon. Ang nakasulat kasi sa note:

You are the girl who stole my heart but I have no plan to take it back. You need to take responsibility for stealing it by staying at my side forever.

Your baby,

CGV

"Cassandra tanong mo nga kay sir kung pwede siyang mahiram para maexperience ko kung gaano siya kasweet kapag kasama ako."

"Huwag ka ng mag-ilusyon,Laurel. Hindi mo ba napapansin na kay Cassandra lang siya ganyan. Baka kapag ikaw na ang kasama ni sir ay gawin ka lang utusan." Minsan lang magsalita si Brix at hindi pa maganda ang lumalabas.

"Manahimik ka dyan! Ok lang maging utusan kung kasama ko naman si sir. Ang gwapo kaya niya. Siyempre lagi ko siyang kasama kung mahihiram ko siya kay Cassandra. Marami sigurong maiinggit sa akin na mga babae kapag dumadaan kami."

"Anong gusto mo makasama si sir o may trabaho? Pili ka lang sa isa sa dalawa. Yung una ay hindi ka pa sigurado kung malalapitan mo si sir at yung pangalawa naman kung ipipilit mo talagang makalapit sa kanya ay magligpit ka na ng gamit mo ngayon pa lang at mapapaalis ka dito. Gusto mo pa rin?"

Hindi na ulit nagsalita si Laurel sa takot na magkatotoo ang sinabi ni Hanz sa kanya. Pero kahit kaibigan ko si Laurel ay alam kong hindi papayag si Clyde kapag lumapit ito sa kanya.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon