Chapter 11

260K 5.8K 91
                                    

Bakit siya nandito?

Kahit malakas ang tugtog na nagmumula sa speaker nitong club ay walang epekto sa nararamdaman ko ngayon. Siya pala yung nararamdaman kong nakatingin kanina pa, si Ren. Mukhang may problema siya at balak talagang maglasing dahil sa dami ng mga baso at boteng nakalagay sa table niya.

Ngumiti siya sa akin pero hindi katulad noong una naming pagkikita. He gave me a sad smile that showing what he feels right now.
Nagpaalam muna ako sa mga kasamahan ko na may pupuntahan lang. Ayaw pa nga akong payagan dahil baka mapano daw ako kung mag-isa akong aalis. Marami na daw lasing sa mga tao dito. Sinabi kong malapit lang dahil may nakita akong kakilala. Ilang table lang naman yung layo ni Ren sa amin kaya hindi ko na kailangan ng kasama. Makakarating naman siguro ako ng ligtas doon.

Tumayo na ako para mapuntahan siya. Nakipagsiksikan pa ako sa mga tao dahil dadaanan ko yung dancefloor na kung saan maraming taong nagsasayawan. Ilang beses akong natulak at muntik ng matumba pero nakalabas na rin ako sa kumpol ng mga tao.

Nang malapit na ako sa kanya ay tumungga na naman siya ng alak. Inisang lagok niya lang ito pero alam ko na matapang ito dahil katulad ito ng iniinom nila Kim kanina.

"Ren..." Pero hindi man siya lumingon sa akin. Hindi niya yata narinig yung sinabi ko dahil sa lakas ng tugtog.

Kailangan kong sumigaw para mapansin niya ako, "REN!" This time ay lumingon na siya. Yung kaninang naaaninag ko lang sa kanyang mukha na malungkot siya pero ngayon ay kitang-kita ko. Yung kislap ng kanyang mga mata nung tinanong niya yung pangalan ko dati ay hindi ko na nakikita sa kanyang mata.

"Cassandra..." Pinaghila niya ako ng upuan para makaupo ako. Nang makaupo na kaming dalawa ay nagsalin na naman siya ng alak sa baso at ininom ito.

"Bakit ka naglalasing?" Napatingin siya sa akin at malungkot na namang ngumiti.

"May mga reasons kung bakit umiinom ang isang tao. Kapag gustong magsaya, makalimot o may hinihintay na tao." Nang sabihin niya yung huli ay parang nahihirapan siyang sabihin. Hindi kaya yun ang dahilan?

"Sa tatlong sinabi mong reasons. Ano ka dun sa tatlo?"may hinala na ako pero gusto kong marinig sa kaya iyon.

"Yung huli..."

"Sino ba yung hinihintay mo?"Nakatingin lang siya sa baso niya na wala ng laman.

"Isang taong nagawan ko ng kasalanan at hinihintay ko na magkrus ulit yung landas namin para makahingi man lang ako ng tawad sa nagawa ko sa kanya."

"Bakit hindi mo na lang hanapin siya kesa naghihintay ka kung kailan mo siya makikita muli" useless kasi yung paghihintay niya kung wala naman siyang gagawin para magkita sila.

"Yun na nga ang problema, Cassandra. Kaya ko siyang ipahanap sa kahit ilang private investigator ang ihire ko para mahanap siya kaso hindi ko kayang harapin siya. Malaki ang naging kasalanan ko sa kanya. Dahil sa akin ay nasira ko ang buhay niya at hindi man lang niya alam na ako ang may gawa nun. Kahit man lang aminin sa kanya yung nagawa ko,hindi ko man magawa" ramdam ko na nahihirapan siya sa sitwasyon niya at gusto ko siyang tulungan. Kahit pangalawang beses pa lang kami nagkikita ay magaan ang loob ko sa kanya. Gusto ko man tumulong pero hindi ko alam kung paano.

"You reminds of her" napatingin ako sa kanya.

"Me?" He nodded and gave a smile again.

"Yes. Noong una ko siyang nakita ay hindi siya katulad ng mga kakilala ko. Simple lang kung manamit katulad mo. Walang kulorete o make-up sa kanyang mukha. Powder lang yung nilalagay niya sa mukha niya tapos kapag nakakakita siya ng mga babaeng makapal ang make-up kukunot yung noo niya tapos kapag wala na yung mga babae bigla na lang siyang tatawa" habang pinapakinggan ko siyang magkwento ay bumabalik ang kislap ng kanyang mga mata.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon