Chapter 9

300K 6.5K 259
                                    


"Because I like you, Cassandra"

Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanyang braso. Hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata ko. Wala na ba siyang naisip na pwedeng idahilan para mapatawad ko siya sa ginawa niya. Akala ko pa naman matalino to yun pala palpak magisip para makalusot.

Napahawak ako sa bibig ko dahil hindi ko na mapigilan and tawa ko. Kung anu-ano pa man din yung tumatakbo sa utak ko na pwede niyang sabihin pero hindi ko napaghandaan ang sinagot niya.

"Hahahaha......"hindi ko na nakayanan kaya natawa na ako at siya naman ay nakakunot ang noong nakatingin sa akin na parang nagtatanong kung ano ang nakakatawa. Lalo pa akong natawa sa reaction niya. Nahihirapan na akong makahinga pero hindi pa rin ako tumitigil. Kulang na lang ay maglumpasay ako dito.

"Ano ang nakakatawa?" Tanong niya.

"I-ikaw! Hahaha..."

"Tumigil ka nga, Sandra! Hindi ko maintindihan kung bakit ka tawa ng tawa diyan. Ano ba ang nakakatawa?" Napansin ko na nakasimangot na ito kaya tumigil na ako pero maririnig pa rin bungisngis ko. Inayos ko muna ang sarili ko bago siya harapin muli.

"A-Ano ba kasing pumasok sa utak mo kaya nasabi mo yan? Naubusan ka na ba ng idadahilan sa akin?"

"What do you mean?"

I pat his shoulder,"Bumenta sa akin ang joke mo, Clyde. May talento ka pala sa pagpapatawa hindi mo man lang sinabi. Sige na nga pinapatawad na kita pero sana huwag mo na ulit gagawin yun. Napasaya mo naman ako ngayon kaya kakalimutan ko na kung anuman ang nangyari ngayon." Nagthumb-up pa ako para maipakita kong ayos na kami. Lalo pang kumunot ang noo nito. Ano na naman ang problema nitong tao na to?

Nakatingin lang siya sa akin. "Bakit?" Pero hindi pa rin ito tumitigil kaya nailang naman ako sa paraan ng pagtitig niya. Tiningnan ko naman yung damit ko kung marumi na akong tingnan at hinamas ko yung mukha ko kung may dumi bang nakadikit sa mukha ko. Wala naman.

"Magpahinga ka na. Alam kong napagod ka ngayong araw" tumalikod na ito para lumabas ng kwarto. Bakit ang sungit ng isang to? Hinawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

"Clyde meron ka bang alam na bilihan ng damit? Gusto ko kasing makapagpalit dahil ang alikabok na ng suot ko. Meron bang boutique rito?"

"Ako ng bahala. Maligo ka muna bago ka magpahinga para mahimbing ang tulog mo" tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas at ako naman ay dumeretso sa banyo para makaligo na.

Pagkapasok ko ay hinubad ko na ang mga suot ko. Ang mahabang palda kong lagpas ng tuhod ko at ang long sleeve na pangitaas ko. Ang lagkit na ng pakiramdam ko.

Sobrang dami ng nangyari ngayon at ang gusto ko na lang na itulog at kalimutan ang lahat.
Kinuha ko na ang towel at pinulupot sa katawan ko. Umabot lang ito sa kalahati ng hita ko. Lumabas na ako sa banyo at nakita ang mga bagong damit na nakalagay sa kama.

Napansin ko na merong bagong underwares. Kinuha ko ito at tiningnan ang disenyo nito. Paniguradong mahal ang mga ito. Sakto lang ang sizes sa akin pero paano niya nalaman yun? May lahing manghuhula yata si Clyde.

Ngayon lang nagsink-in sa utak ko na kaya pala ganun siya makatingin dahil tinitingnan niya kung anong size ko!? NAKAKAHIYA!! Pero ang galing niya. Bigla na lang bumukas yung pinto.

"Sandra, nakita mo na ba yung...damit-"nanlaki ang mata ko at nabitawan ko yung mga underware na tinitingnan ko. Siya naman ay umiwas ng tingin at nagmamadaling pumasok sa banyo.

"Magbihis ka na. Maliligo lang ako." pumasok na siya at ako naman ay mabilis na nagbihis bago pa niyang maabutan akong nakatowel na naman.

Kumuha na ako ng unan at extrang blanket at humiga na sa couch. Alangan namang siya yung humiga dito at ako sa kama. Narinig ko na tumigil ang shower kaya pumikit na ako. Lumabas na ito at naramdaman kong lumapit ito sa akin.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon