Chapter 14

262K 6.5K 173
                                    

Salamat sa mga taong nagbabasa ng story ko. Sa mga votes niyo sa bawat chapters at pagfollow niyo po sa akin. Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya at lalong lalo na kapag nababasa ko yung mga previous comments ng ilang readers ko. Naiinispire pa akong magsulat. Maraming salamat sa inyong lahat.

Do vote,comment and follow me.

*******************
Naglalakad na kami ni Sarah papunta sa office ni sir Clyde. Kanina ng sabihin niyang pinatatawag ako ay may kutob na ako kung bakit niya ako pinapatawag. Siguro nga kahit anong pag-iwas ko na makaharap siya ay makakagawa pa rin si sir Clyde ng paraan para magkaharap kami.

Nilingon ko si Sarah sa aking harapan. Mas nauuna kasi siya kesa sa akin. Kailangan ko siyang makausap kung para saan ang pagpapatawag sa akin.

"Sarah, bakit daw ako pinapatawag?" Tumingin siya sa akin.

"Hindi ko rin alam, Cassandra. Basta ang sabi niya lang puntahan kita at sabihing pinapatawag ka niya. Baka naman may itatanong lang sayo." Sabi niya.

Siguro nga. Sa lahat ba naman ng mga messages at tawag niya noong isang araw talagang kakausapin ako at may kutob na akong alam niya na alam ko na siya yun.

Nakarating na kami sa private elavator na papunta sa office ni sir. Tumigil kami ng nasa harap na kami ng pinto niyo. Humarap si Sarah sa akin para makapagpaalam.

"Cassandra hanggang dito na lang ako. Ikaw na lang ang dumeretso sa office ni sir. May inuutos pa kasi siya at kailangan kong gawin yun"

"Ok lang, Sarah. Salamat sa pagsama sa akin hanggang dito." Pero sa isip-isip ko ay gusto kong hatakin siya para samahan ako sa office. Kahit man lang ilang minuto lang ay may makasama ako sa pagharap kay sir Clyde.

Umalis na si Sarah. Tinatanaw ko pa rin siya hanggang lumiko na siya marahil ay doon banda ang papunta sa table niya. Napabuntong-hininga ako. Ako na lang talaga. Pumasok na ako sa loob at naramdaman kong umaandar na ang elavator.

Ilang minuto ay nagbukas na ang pinto ng elavator. Lumabas na ako at nagsimula ng maglakad. Natanaw ko na ang pinto ng office niya. Habang palapit ako ng palapit ay parang may tambol sa dibdib ko. Ito na talaga.Wala ng atrasan to. Kumatok na ako at narinig ko ang boses niya.

"Come in." Naalala ko kasi na ayaw niyang pumapasok agad kapag hindi pa niya sinasabi.

Binuksan ko na ang pinto at nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair niya at may pinipirmahan na mga dokumento. Sinarado ko ang pinto at nanatili akong nakatayo lang sa pwesto ko. Napagmasdan ko ang itsura niya mula sa aking kinatatayuan. Nakasuot siya ng long sleeve na polong kulay puti at nakabukas ang dalawang butones nito. Messy style yung buhok niya at nakasuot siya ng reading glass.

"Tapos ka na bang titigan ako." Narinig kong sabi niya. Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman na tinitingnan ko siya?

"Ok lang sa akin kahit titigan mo ako buong araw. Mas maganda na yun kesa iwasan at pagtaguan ako hindi ba?" Napakunot-noo ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman yun? Nakita niya ba ako kaninang umaga kaya nasasabi niya ito sa akin.

"Wala ka ba talagang balak magsalita, Sandra?" He sighed. He took off his glasses and stared at me.

Hindi ko sinalubong ang tingin niya kaya tumingin ako sa ibang direksyon. Ayoko siyang tingnan dahil nagi-guilty ako. Kahit busy siya ay nakuha pa niyang tingnan ang lagay ko at pumunta pa siya sa apartment ko tapos ako nakuha ko pang iwasan at taguan siya.

Binaba niya yung pen na ginagamit niya kanina at tumayo siya. Nakita kong papunta siya sa direksyon ko kaya yumuko ako para hindi niya makita kung gaano ako nahihiya sa ginawa ko kaninang umaga. Hindi ko man alam kung paano niya nalaman yung pagtatago ko pero alam kong may epekto iyon sa kanya.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon