Chapter 4

292K 6.7K 224
                                    

Alam mo yung pakiramdam na hindi ka makalunok ng dahil sa sobrang kaba? Na hindi mo kayang makipagsabayan ng titigan sa isang tao kahit gaano pa siya kagwapo!?

Tumingin ulit ako sa gawi ni sir Clyde at nakita kong nakatingin pa rin siya. Inalis ko kasi yung tingin ko sa kanya kanina ng napansin kong sa akin talaga siya nakatingin at hindi man lang niya pinapansin si Sarah na katabi ko.

Jusko po lord. Huwag niyo po sana akong hayaan na maiwang mag-isa kasama ang ubod ng gwapo pero sobrang istrikto naman na nagngangalang Clyde Villacorte na akala niya na lahat ng tao ay dapat sumunod sa lahat ng rules niya. Hindi pwede magkamali or else fired ka o kusa kang aalis dahil alam naman ng lahat na walang second chances sa vocabulary niya.

" You can go now, Sarah"

Natigil ang aking paghinga ng marinig ko yun. Tiningnan ko si Sarah at tumango lang sa akin at umalis na rin. Narinig ko ang tunog ng pagsara ng pinto at lalo lang akong kinabahan. Sana pala hindi na lang ako nagapply ng hindi ako napunta sa sitwasyong ito pero kung hindi naman ako magapply paano ako makakaipon?

" Miss Del Rio, you may sit down "

Natigil ako sa pagiisip ng marinig ko ulit yung boses niya. Sinunod ko na lang ang sinabi niya at naupo ako sa upuan malapit sa table niya.

" Why are you applying for this job?"

Nakita ko siyang tinanggal ang kanyang reading glass at nakita ko na naman ang kanyang green na mga mata.

" W-well sir, I-I need to have an extra i-income "

Nakita kong napangiti siya. Ano yung nginingiti niya? Natutuwa siya pag-uutal ko sa harap niya. Kasi naman eh kinakabahan talaga ako. Intimidating kasi yung aura niya.

" Relax hindi naman ako nangangagat kaya huwag kang kabahan. Interesado lang kasi ako kung bakit nangangailangan ka ng trabaho. Saan mo ba gagamitin yung magiging sahod mo kung sakaling kuhanin kita bilang secretary ko?"

Nagtatagalog pala siya pinahirapan pa niya akong magenglish. Magaling naman ako sa pagsasalita ng English pero kapag kinabahan ako nababaliktad ko yung mga words kaya mabuti talagang nagtatagalog siya. Pero kung titingnan ko si sir Clyde akala ko hindi siya nagtatagalog. Totoo nga talaga ang kasabihan 'looks can be deceiving'.

" Kailangan ko lang po ng extra income para magamit ko sa paglilipat. Malayo pa po kasi yung byahe ko kapag pumapasok at umuuwi ako galing rito."

" Ganoon ba. Kung sakaling kukuhanin kita meron kang pipirmahan na kontrata. Handa ka bang pirmahan yun?"

" Before I sign the contract, I need to read the entire contract first to know if it acceptable on my part as your employee "

Kailangan ko munang makasigurado na hindi ako dehado sa kung anumang kontrata yun. Ano ba kasi yun? Mag-apply lang kasi bilang secretary niya ang dami pang requirements"

Bigla na lang itong tumawa ng malakas. Lalaking lalaki talaga yung boses niya na may accent tapos yung tawa niya parang ang sarap pakinggan ng paulit- ulit. Gusto ko tuloy irecord para mapakita ko kay Kim at Laurel na yung kinababaliwan nilang big boss namin ay marunong rin palang tumawa. Panigurado hihingi ng mga kopya yun. Mga baliw pa man din yun kapag usapin na may kinalalaman to.

" I like your attitude. Ok , you're hired now. I just want to remind you that tomorrow is Saturday and start of your job as my secretary. You need to be here at 8 am in my office and about the contract, I will give it to you tomorrow and you can read it to know your responsibility to me"

Parang nabuhayan ako ng dugo. Hindi bale na istrikto basta may trabaho. Titiisin ko nalang yung ugali niya para makalipat na ko.

" Thank you "

Nginitian ko siya at nagpaalam na ako para bumalik sa trabaho ko sa baba. Hindi ba pinatawag niya lang ako ngayon pero may trabaho pa akong naiwan. Haharangin na naman ako ng dalawa nito kapag nakarating na ako sa table ko. Gusto nilang malaman ano ang resulta ng application ko. Si Kim alam na nag-aapply ako pero si Laurel hindi. Mahaba habang paliwanagan na naman ito.

Tumayo na ako para magtungo sa pinto ng maramdaman ko na may humawak sa braso ko. May nagsalita malapit sa tenga ko.

" You should keep smiling. Lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka"

Napaharap ako ng di oras kay sir Clyde. Pagtingin ko sa kanya ay nagulat ako ng malapit na yung mukha niya sa mukha ko. Maling galaw isa man sa amin ay maglalapat ang mga labi namin. Hindi ako sanay sa mga pinapakita niya. Ganito ba talaga siya makisalamuha sa iba o sa akin lang?

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon