Chapter 53

130K 3.1K 252
                                    

Highest ranking #9

Guys pwede bang madagdagan ang mga comment na matatanggap ko? 😢 Gusto ko lang malaman ang mga reactions niyo.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Ilang araw pa ang lumipas at pahirap ng pahirap ang mga pinapagawa sakin. Hindi na siya pumapayag na hindi ko matapos ang mga pinagbibigay niyang kwarto na mga nakaassign sakin. Naranasan kong malipasan ng gutom sa mga araw na iyon at hindi na niya ako binibigyan ng break time na dapat na binibigay niya sa mga empleyado.

"Ang tagal mo naman dyan! Kaninang alas otso mo sinimulan at hanggang ngayon ay hindi ka pa tapos! Ang kupad mo kasi kaya natatagalan ka."

Inayos ko ang bed sheet. Natanggal ko na ang mga kalat kaso nahirapan ako na may mga tumapon na mga drinks sa sahig na may malagkit na kasama kaya sobrang dikit nito. Sobrang dumi na hindi ko alam kung ilang araw ba na hindi ito nalilinis. Hindi na ako nagtaka sa mga ganitong bagay. Humahanap yata ng pinakamaduming kwarto si Thalia at binibigay sa akin.

"Hindi ka ba sasagot dyan! Tinatanong kita, Cassandra!"

Hindi ko narinig ang tinatanong niya at nakatuon lang ang atensyon ko sa ginagawa ko.

"Ano po ba ang itinatanong niyo, Ma'am Thalia?"

"Kailan ka ba matatapos sa ginagawa mo? May ipapagawa ako sayo kaya bilisan mo dyan."

"May iba namang taong pwede mong utusan, bakit ako pa?"

"Ikaw ang gusto kong gumawa ng iuutos ko. Bakit may angal ka? Pinapaswelduhan kita kaya manahimik ka at tapusin mo na yan."

Umalis ito at napaupo na lang ako sa kama. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ito kapag umabot kami ng ilang araw pa. Hindi ko na matagalan ang mga pinapagawa niya. Sumosobra na siya. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng pantalon ko at tiningnan kung may nanggaling sa kanya. Nalungkot ako na wala man lang siyang text or call. Hindi ba niya nabasa ang text ko sa kanya? Clyde, kailangan kita ngayon...

Malapit na akong mawalan ng pag-asa na dadating ka. Ayokong ipakita kay Thalia na naaapektuhan na ako sa mga ginagawa niya. Ayokong bigyan siya ng kasiyahan na nagtagumpay siya sa pagpapahirap sa akin. Ayokong magpatalo sa kanya.

Natapos na rin at lumabas na ako sa kwartong iyon. Itinulak ko na ang cart ko at hinanap ang Thalia Impakta na yon. Dati ay naaawa pa ako sa tawag sa kanya ni Laurel pero ngayon, bagay lang sa kanya dahil sa ugali niya. Nasaan na ba yon? Ngayon naman na tapos ako, siya naman ang nawawala! Malapit ng maglunch break at gutom na ko. Gusto kong matapos ang iuutos niya bago ako kumain.

May nakita akong chambermaid, "Miss!"

Tumingin lang ito at pinagpatuloy ang paglalakad. Napahawak ako sa ulo ko ng maalala na bawal pala silang makipag-usap sa akin. THAT GIRL! She really wants me to suffer in this resort.

Lumabas ako ng hotel at hinanap siya. Nakita kong nakikipag-usap siya sa mga lalaking guest. Nakasuot ito ng swimsuit. Tumatawa ito habang nakikipagkwentuhan sa kanila. Gawain ba ng matinong manager ito? Dapat ay disenteng damit ang sinusuot niya kapag kaharap ang mga guest.

"Excuse me!" Nilakasan ko ang pagkakasabi para naman mapansin ako ng magaling na manager.

"There you are. Guys, this is Cassandra. She will accompany you in your stay in our resort."

Tama ba ang narinig ko o nabibingi lang ako? Bakit kailangan kong sumama sa mga lalaking ito?

"Why do I have to go with them?"

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon