Chapter 15

277K 6.3K 241
                                    

Happy 10k guys!!! Kagabi ko lang nakita na umabot na pala ng ganon karami ang nagbabasa nito. Kaya naexcite akong mag-update kahit wala pa sa plano ko dahil marami pa akong ginagawa. Check my other stories if you like.

My Snobbish Heart- Teen Fiction

The Black Archer- Fantasy

Mas mahaba ng konti itong naupdate ko kasi gusto kong magpasalamat sa inyo. Can I have a favor? Pwede bang madagdagan ang mga comments na nababasa ko sa story na ito? Mas ginaganahan kasi akong magsulat kapag nababasa ko yung mga feedbacks niyo. :)

Do vote, comment and follow me.

**************

Wala ni isa sa amin ang gustong putulin ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Bigla na lang nawalan kami ng pwedeng sabihin. Nang sabihin ni Clyde iyon ay hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa kanya. Nakatitig lang siya na parang naghihintay ng kahit anumang gawin o sabihin ko sa sinabi niya pero wala siyang nakuhang sagot mula sakin.

Napabuntung-hininga na lang siya at bumalik sa ginagawa niya. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-aayos ng mga files at documents niya sa mesa. Habang nag-aayos ako ay may pumasok na tanong sa utak ko. Ano ba dapat ang sabihin ko sa kaniya kanina?

Mukhang nadismaya siya sa inasal ko. Hindi ko naman siya masisisi kung ako man ang nasa katayuan niya at sabihin ko iyon sa ibang tao. Mag-eexpect talaga ako na reaksyon sa taong iyon. Ano ba kasi ang magagawa ko? Nablanko ang utak ko. Anu-ano kasi ang sinasabi niya na first time kung sabihin sa akin ng ibang tao kaya wala akong alam na gawin kundi ang tumahimik.

Tumingin ako sa gawi niya. Blanko lang ang expression ng mukha niya. Ako ba ang dahilan kung bakit siya ganyan? Hindi ako sanay sa inaasal niya ngayon. Hinayaan ko na lang at bumalik na lang sa ginagawa ko. Wala rin naman akong alam kung paano makakabawi sa kanya.

May narinig akong kumakatok sa pinto. Nagkasabay kaming tumingin sa pinto at ng mapansin ko ito. Ako na ang unang yumuko dahil hindi ko naman kilala kung sino ang kumakatok.

"Sir, I brought the lunch that you ordered." Si Sarah pala. Oo nga pala hindi pa kami naglunch at gutom na ko. Nahatak ni Clyde ang kamay ko ng may kinuha siyang nalaglag na files sa mesa niya. Hassle talaga kapag may kahawakan ka ng kamay kapag may ginagawa ka. Wait! Hindi pwedeng makita ni Sarah na magkahawak kami ng kamay ni Clyde. Malaking gulo ito! Nang makuha na ni Clyde yung mga nalaglag ay balak na nitong papasukin si Sarah.

"Come-" hindi natuloy ni Clyde ang sasabihin niya ng takpan ko ng bibig niya ng kamay ko.

"Huwag mo siyang papapasukin!" Mahina lang ang boses ko baka marinig ni Sarah sa labas. Nakita kong parang nagulat siya. Bakit ganon ang reaksyon niya? Napansin kong hindi ko pa pala natatanggal ang kamay ko sa bibig niya.

"S-Sorry..." Kumunot ang noo nito sa inasal ko.

"Bakit ayaw mong papasukin si Sarah?"

Inangat ko ang kamay namin."Hindi niya dapat makita ito. Baka ano ang isipin niya."

"Ano ba ang iisipin niya? Hawak ko lang naman ang kamay ng future girlfriend ko. Ano ba ang mali sa ginagawa natin?" Hindi talaga ako masasanay sa mga pinagsasabi niya. Seryoso ang usapan namin bigla niyang ipapasok ang girlfriend thingy na yan.

"Basta hindi niya dapat makita tayo sa sitwasyong ito. Hindi mo naman ako girlfriend tapos makikita niya tayong ganito. Ano iisipin niya sa akin!" Naiinis na ako sa kanya.

"Sagutin mo na kasi ako para wala ng problema." Seriously!? Hindi nga siya nanliligaw tapos sagot agad ang gusto niya. Wala pa man kaming isang linggong magkakilala tapos ganito siya umasta. Kaya nga hindi ako naniniwala sa mga sinasabi niya kahit boss ko pa siya. Hindi ako magpapadala sa kanya.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon