Chapter 18

228K 5.7K 246
                                    

Treat ko sa inyo ang chapter na ito. Kahit kakaupdate ko lang ay pinilit kong isulat ito para sa inyong lahat. Kahit hindi umabot sa comments na nirequest ko ay salamat sa mga lagi nagbibigay ng comments nila. Sa comments niyo kasi ako nagbabase kung ano ang susunod na mangyayari.Kung may tanong po kayo ay magmessage lang kayo sa akin at pipilitin ko pong sagutin. Enjoy reading.

My Snobbish Heart - Teen fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

****************

Hinagis ko ang bag ko sa lamesa at pabagsak na umupo sa sofa. Tinanggal ko ang salamin ko at ipinatong ito sa lamesa. Pinikit ko ang mga mata ko para mapahinga ito. Habang nagpapahinga ay naisip ko na naman ang mga sinabi ni Ren.

Bakit biglang nag-iba siya? Bigla na lang siya magsasabi ng ganoon na parang seryoso siya na mangyayari yung sinabi niya. Tingin ko naman ay imposible iyon. Meron nga siyang hinihintay na babaeng nagmamay-ari na ng puso niya kaya sana ay gumawa na talaga siya ng paraan para magkita na sila. He deserves to be happy and to be free from guilt for what he had done.

Nahinto ako sa pag-iisip ng marinig kong tumutunog ang cellphone ko. Tumayo ako para kunin sa bag ko yung cellphone ko. Pagkatingin ko kung sino ang tumatawag ay nakita kong si Kim kaya sinagot ko.

"Hello..." Naghintay pa ako ng ilang minuto bago may sumagot sa kabilang linya.

"NAKAKAHELLO KA PA TALAGA, CASSANDRA!" Mabilis kong inilayo ang cellphone ko sa tenga ko ng sumigaw siya. Narindi ako sa sigaw niya. Inilapit ko ng kaunti sa tenga ko yung cellphone para in case na sumigaw siya ulit.

"CASSANDRA, nakikinig ka ba!?"

"Huwag ka kasing sumigaw! Naririnig naman kita kahit hindi ka sumigaw" tumahimik siya.

"Saan ka nagpunta kasama yung lalaki humatak sayo kanina?" 

"Sa restaurant. May nangyari ba ng umalis kami?" Hindi agad nakasagot si Kim sa tanong ko.

"Cassandra, lahat kami ay nagulat ng bigla ka na lang hatakin ng lalaking iyon kanina pero ang mas ikinagulat namin ng tangkain pa ni sir Clyde na hatakin ang kamay mo para pigilan kang umalis." It made me sad that I left Clyde just like that but I don't know what to do at that time.

"Ano bang nangyari, Kim?" Gusto kong malaman kung ano na ng nangyari kay Clyde pagkaalis namin.

"Pagkaalis niyo ay nagtagal pa si sir sa kinatatayuan niya habang tinatanaw kayong umalis ng building. Lahat kami ay nakatingin sa kanya dahil ngayon lang namin siyang nakitang ganoon.Hindi ko mahulaan kung anong sunod na gagawin niya, Cassandra." Kasalanan ko ito kung hindi sana ako sumama kay Ren hindi mangyayari to.

"Ilang minuto rin siyang nakatayo at umalis rin pero nakita kong ang pagkuyom ng kamay niya habang hawak niya yung brief case niya." Ano ng gagawin ko kapag nagkita ulit kami? Mahigit dalawang linggo rin kaming hindi nagkita tapos ito pa ang naabutan niya. Ang pagtangay ni Ren sa akin.

"Salamat sa pag-inform sa nangyari,Kim"

"Walang anuman. Kapag nagkita ulit tayo ay kailangan mong magkwento sa amin kung anong nangyari sa inyo ng kasama mo."

"Sige." Binaba ko na. Nagkaroon na naman akong alalahanin kung paano ako makakapagpaliwanag kay Clyde tungkol kay Ren. Pero bago ko isipin kung ano ang mga sasabihin ko kailangan ko munang mag-isip kung paano ko siya kakausapin.

Narinig kong tumunog ulit ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay may nagtext lang pala. Binasa ko kung sino ang nagtext.

From: 092615XXXXX
I'm happy that I spent my time with you, Cassandra. I hope this is not the last and don't worry about Clyde. I already explained to him about us.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon