Chapter 42

152K 2.9K 24
                                    

Sorry sa sobrang paghihintay. Kakatapos lang ng midterm namin at kailangan ko munang magsunog ng kilay bago ko mapagpatuloy ito. Baka mahalo ang mga ASSSETS ni Clyde sa mga binabasa ko. Hahaha. Pero masaya akong umabot sa #30 slot in romance ito kapag tinitingnan ko si wattpat. Patawarin niyo sana si author.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

*~💞~*

Tiningnan ko na naman ang relo ko kung anong oras na ako makakarating sa pupuntahan ko.  Nagmamadali na akong makaalis sa office para mapuntahan ko ang hindi inaasahan text message sa akin.

Kailangan kong makarating para malaman yung unknown number na sinasabing kakilala ko at naghihintay sa akin. Hindi ko sana sisiputin kaso sinabing may utang daw ako at kung hindi ko pupuntahan ay lalaki ang babayaran ko sa kanila.

Mabuti na lang ay may meeting si Clyde at hindi siya makakapunta sa office kaya pwede akong umalis kahit sandali lang. Hindi na ako nagpaalam dahil wala naman akong balak magtagal at aalamin ko lang kung sino ang makulit na kanina pa nagtetext.

Bumaba na ako ng taxi ng makarating ako sa hotel na sinabing naghihintay sila. May nakita akong restaurant at pumasok. May sumalubong na sa akin.

"Good morning, ma'am. Are you Miss Del Rio?"

"Yes."

"This way ma'am."

Sinundan ko siya. Sa tingin ko ay hindi biro ang kanina ko pang natatanggap na text message. Pero nagtataka ako kung bakit ako sinisingil kung isang sikat na hotel ang meeting place na sinabi nila.

Tumigil kami sa isang table at nakita ang taong gustong makipagkita sa akin.

"We meet again, Cassandra." He smiled.

Pinaghila niya ako ng upuan at pinaupo. Nasa tapat niya ako at nakatingin lang sa akin.

"Bakit mo ako pinapunta dito?"

"Naniningil nga kami sayo. Hintayin muna natin ang kambal ko bago tayo mag-order. May pinuntahan lang sandali."

"Sige."

Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng restaurant. Sobrang formal ng mga kumakain at alam mong mayayaman lang nagpupunta dito.

"Kamusta ka na?"

Tumingin ulit ako sa kanya, "Mabuti naman, Cellon."

"Ang huli naming kita sayo ay yung party ni Gleidon at hindi man lang tayo nakapagcelebrate sa pagkapanalo mo."

"Hindi naman ako mananalo kung hindi dahil sa inyo kaya thank you again sa pagtulong sa akin."

"We will always help you, Cassandra."

Dumating na ang hinihintay namin at umupo na sa tabi niya si Callen. Parehas silang nakaformal at parang kagagaling sa isang meeting.

"Pasensya na. May makulit lang na babaeng ayaw akong tigilan kaya pinatahimik ko muna. Glad to see you again, Cassandra."

Umorder na sila at ginaya ko na lang ang kinuha nila. Sinabi naman nilang treat nila ito kaya nahihiya ako dahil dapat ako ang manlibre sa kanila.

"Totoo ba yung sinabi niyong maniningil kayo kaya pinapunta niyo ako dito?"

Nagkatinginan ang dalawa at natawa sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?

"Masyado ka namang seryoso sa text ko. Ayaw mo kasing magreply kaya sinabi ko iyon. Nakakatuwa ka nga. Sinabi ko lang may utang ka sa amin at ang bilis mong nakapagreply." Sabi ni Callen.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now