Chapter 65

191K 4.6K 1K
                                    

Tinapos ko ito para sa inyo. Last chapter na ang susunod. May book 2 ito. May exam ako sa saturday at inuna ko pa ito. Lagot ako.😂 Pasensya na kung may wrong grammar or mispelled. Inumaga na ako sa pagsusulat kaya hindi ko na napansin.

~¤💞¤~

Hindi pa rin tumitigil ang luha ko sa pagtulo sa mga mata ko. Nasasaktan pa rin ako sa mga sinabi niya. Gusto kong bawiin ang sinabi ko sa mga pinsan ko na ilayo ako kay Clyde. Gusto kong bumalik sa kanya. Baka hindi na siya galit kapag bumalik ako at makikinig na siya sa mga sasabihin ko.

Pareho kaming nagpadala sa emosyon namin. Pero ang mas masakit para sakin na ang baby namin ang nadamay sa gulong ito. Kaya kong ipaliwanag ang picture na pinakita niya. Kaya kong umamin kung sino sila Cellon at Callen sa buhay ko.

"Tumahan ka na, Cassandra. Makakasama sayo ang sobrang pag-iyak. Isipin mo ang baby mo."

"Hindi ko lang mapigilan ang emosyon ko. Bakit ba naging ganito ang nangyari sa amin? Masaya pa kami kaninang umaga pero ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko."

"Ano ba ang nangyari?"

"Ako ang pinagbibintangan na spy sa company. Hindi ko magagawa iyon kay Clyde. Nakiusap ang secretary niya na magsend ng file na kailangan nito sa inuutos sa kanya, gusto ko lang makatulong."

Binigay ni Callen ang panyo niya. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin. Sila ang kailangan ko ngayon ang mga taong maniniwala sa akin na wala akong ginawang masama.

"Naniwala agad siya! Hindi ba niya muna inalam lahat bago ka pagbintangan. Kung sinabi mo agad ang ginawa niya, hindi ako papayag na hindi siya bawian sa pagpapaiyak sayo! Napakababaw lang ng dahilan niya at dapat naniwala siya sayo!"

Galit na galit si Callen. Hindi ko pa nasasabi ang tungkol sa picture at sa baby ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at napaiyak. Naawa ako sa baby ko.

"May hindi ka pa ba sinasabi sa amin, Cassandra?"

Napansin ni Callen ang ginawa ko,"Alam na ni Clyde na ako ang kasama niyo sa mall..."

"And?"

"Sinabi niya na may relasyon ako sa isa sa inyo at hindi na siya naniniwala na sa kanya ang baby ko..."

"Bullshit! I want to punch his face for saying that! Hindi ka ganoon babae at pinalaki ka nila tito ng maayos. Ibalik mo ang kotse, Cellon! Hindi ko titigilan si Clyde hangga't hindi ako nakakaganti sa ginawa sa pinsan natin!"

"Kailangan ng magpahinga ni Cassandra."

"Bakit ang hinahon mo lang dyan?! Hindi ka ba nagagalit sa ginawa niya?"

Sa kanilang dalawa, si Cellon lang ang nakakausap ng maayos. Hindi ito sumisigaw katulad ng kakambal niya na kanina pa gustong bumalik sa Villacorte.

"Hindi mo alam kung gaano ko pinipigilan ang sarili kong gawin ang gusto mo. Inuuna ko lang ang kalagayan ng pinsan natin bago ang galit na nararamdaman ko kay Clyde."

Nagcheck-in kami sa isang hotel. Pinapasok nila ako sa isang kwarto. Ako lang mag-isa kaya mas lalo kong naramdaman na wala na yung taong gusto ko sa tabi ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagbabakasakali na may text siya o tawag pero wala.

Talaga bang mas pinaniwalaan niya ang ibang tao kaysa sa mga sinabi ko. Hindi ba niya kayang makinig bago unahin ang galit niya. Alam kong matagal na niyang hinahanap ang traydor sa kompanya niya pero isipin niya na ako agad, hindi ko matanggap.

Naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Gusto kong bumalik para magpaliwanag ulit. Baka kaya niya na akong pakinggan at maniwala na sa sasabihin ko.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon