Chapter 3

335K 6.9K 121
                                    

Hindi pa rin ako makaget over sa nangyari at hanggang ngayon ay tulala pa rin ako. Bakit parang pakiramdam ko ng tingnan niya ako ay nang-aakit siya. Ganon ba talaga siya tumingin o may iba pang ibig sabihin.




Natigil lang ako sa pag-iisip ng may kamay na nagwawagayway sa mukha ko at natauhan ako natapos na pala at nakaalis na sila.




"Cass okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Kim sa akin.




"O-okay lang"




"Grabe ka girl siniko na kita pero wala epekto sayo" sabi ni Laurel.




"S-sorry akala ko lang kasi na may gusto ka lang itanong o sabihin sa akin kaya hindi muna kita pinansin dahil may iniisip ako nung time na yun"




"Pero grabe talaga yung kanina"




"Bakit ano ba yung nangyari?"




Naguguluhan na ako sa mga nangyayari. Meron ba akong hindi nalalaman at kung makareact sila wagas.




"Kasi naman kanina nung papunta sila sir Clyde. Grabe nakakakaba kasi nga di ba balita na isrikto siya. Nang malapit na tayo at akala ko hindi ka na niya mapapansin na nagbabasa kaya hindi ka na namin inabala"




"Pero bigla siyang tumigil ng magawi siya sayo. Ang tagal ka niyang tinitigan na parang hinihintay ka niyang tumingin sa kaniya pero ikaw parang wala kang pakialam sa paligid mo na hindi mo na napansin na tinititigan ka niya"




"Pasensya na kanina sa inyong dalawa"




"Hindi ka natinag ng sikuhin ka ni Laurel kaya ng ako na yung sumiko sayo ay nilakasan ko na para mapansin mo na nakatayo na si sir sa harap mo.




Kinabahan nga ako para sayo akala ko magagalit pero mabuti naman hindi"





My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon