Chapter 54

143K 3.1K 246
                                    

Highest ranking # 8

Ginawa ko na agad ito ng makita na sobrang dami ng comments. Nagulat ako! Akala ko aabot lang ng 30 pero umabot ng 100+. Grabe! I love you all. Dapat mas maaga ko matatapos ito kaso nakatanggap ako ng message na hindi maganda about sa story ko. Nasaktan ako kaya nawalan ako ng ganang magsulat. Ngayon ko lang nalaman na may pagkasensitive pala ako ng konti. 😂 Inisip ko na lang na part ito ng pagiging writer. Hangga't gusto niyo pa ang story ko, magsusulat pa rin ako. Sa next update na ang pagpapahirap sa kanya. Para inyo ang chapter na to. 😊

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Bumalik na kami sa kwarto. Hindi ko alam kung anong connection ang sinabi ni Ren at sinunod agad ni Alex. Nakita ko kung paano natakot si Thalia kanina sa huling sinabi niya. Nakita ko rin na nawala ang playful na aura ni Alex at naging seryoso rin.

Hindi na nila kami pinabalik sa trabaho at sinabihan na bumalik na lang kami sa kwarto kaya nandito kaming lima sa room namin.

"Ano na ang mangyayari sa atin?"

"Hindi ko rin alam, Laurel. Ngayon ko na lang ulit nakita ang serious side ni Alex kaya kahit ayokong sumunod sa kanya, wala tayong gagawin kundi manatili dito." sabi ni Kim.

Kahit pala ang palaban na si Kim ay walang nagawa. Sumunod siya kahit na kaaway niya pa ang nagsabi sa kanya.

"Alam nila ang gagawin at mabuti na rin na may nakaalam sa sitwasyon natin. Kahit naman sino ang tanungin ay hindi naman natin trabaho ang binigay ni Ma'am Thalia. Ginagawa lang nila ang alam nilang dapat." sabi ni Hanz na nakapagpatahimik sa amin.

Pumasok sila Ren at Alex kaya napaayos ako ng pagkakaupo pati ang mga kasama ko. Hindi pa rin naaalis ang pagkaseryoso ng mukha nila kaya natatakot akong magtanong.

"Kailan pa kayo nandito?" Nakatingin sa amin si Ren.

"Limang araw na po kami, Sir."

"Ganito ba ang sinabi sa inyong trabaho niyo dito? Hindi man lang ba kayo nagtaka sa binigay sa inyo?"

"Nagtanong po kami kaso ang sabi po ni Ma'am Thalia na siya ang masusunod at kung ano ang sinabi niya, dapat naming gawin." si Laurel na ang nagkalakas ng loob na sumagot.

"Alex, natawagan na ba siya?"

Hawak ang cellphone nito, "Ito na nga tinatawagan ko na, Ren. Ang tagal naman niyang sumagot."

"Kapag sumagot na siya, ibigay mo sakin. Ako ang kakausap sa kanya."

Nagkatinginan kami ni Kim. Sinusundan niya ang bawat gawin ni Alex at nahuli ko siyang ginagawa iyon. Umiwas rin siya at tumingin sa ibang direksyon.

"Hello, Clyde! Finally, you answered my call. Wait! Ren, wants to talk to you. If you end this call and not able to hear what he wants to say, you will regret it, its about your girlfriend."

Binigay nito ang celllphone at kinausap ni Ren. Lumabas ito ng kwarto at naiwan na naman kami. Gusto ko sanang ako na lang ang pumalit sa kanya para makausap ko si Clyde. I miss him so much...

"Alex, talaga bang nacontact mo si Clyde?"

"Oo. Balak pa akong patayan ng cellphone kung hindi ko lang sinabi na involve ka. Naistorbo ko daw ang meeting niya.Talaga yang boyfriend mo masyadong sumusunod sa schedule niya."

Isa iyon sa nagustuhan ko sa kanya. Hindi siya nagpapabaya kaya nga nakilala sa pagiging istrikto na kahit siya ay sumusunod sa mga dapat na gawin niya.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon