Chapter 17

256K 5.6K 240
                                    

Welcome sa mga bagong followers at readers ko. Sa mga nag-add ng story ko sa mga reading list nila. Thank you. :)

Pwedeng bang humingi ng request? 25+ comments for this chapter? Para malaman ko kung sino ang mga active readers ko. Enjoy this chapter.

My Snobbish heart - Teen Fiction

The Black Angel- Fantasy

Do vote, comment and follow me.

*****************

Natapos na rin ang filing ng mga statements na dapat na maipasa  sa head namin. Sa sobrang busy ko ay hindi ko man namalayan na ilang araw ko na pala na hindi siya nakikita. Ngayon ko lang naramdaman na parang may kulang sa araw ko.

Kahit kasama ko ang mga kaibigan ko ay hindi nito maibsan ang nararamdaman ko. Ngayon wala na kami masyadong ginagawa kaya mas marami akong oras para mapansin ang lahat ng nasa paligid ko.

"SA WAKAS AY NATAPOS NA RIN!" Napatingin ako kay Brix ng sumigaw siya.

"Huwag ka ngang sumigaw dyan at nakakaistorbo ka sa kabila. Baka sitahin pa tayo sa lakas na boses mo!"

"Huwag ka ngang kj, Laurel. Masaya lang ako at natapos na ang paghihirap natin. Ilang araw rin na gahol tayo sa pag-aasikaso sa mga naka-assign sa atin"

"Huwag mo kaming idamay dyan  sa pagiging gahol mo sa mga ginagawa mo. Hangga't hindi pa kasi malapit ang deadline ay hindi mo pa sisimulan." Nagsimula na naman ang bangayan. Sermon na naman ni Kim ang maririnig sa office.

"Bakit ako na naman ang nakikita mo,Kim. Hindi naman ako ang huling natapos kundi si Cassandra. Dapat siya naman ang pagalitan mo ng hindi puro ako." Dinamay pa ako nito. Nananahimik lang ako dito tapos gusto pa niya akong mapagalitan ni Kim.

"Huwag ka ngang nagtuturo dyan. Para sabihin ko sayo mas naunang siyang matapos kesa sayo. Hindi mo lang napansin dahil tinuon mo na ang atensyon mo sa ibang bagay." Sa kanya ko kasi binigay yung natapos ko dahil siya naman talaga ang nangongolekta ng lahat tapos ibibigay niya sa head namin. Tumahimik na lang si Brix dahil kapag sumagot pa siya mas lalong hindi titigil si Kim sa kakasermon.

"May narinig ako kanina ng mag-cr ako." Mabuti na lang at nagsalita si Laurel para matapos na sila Brix at Kim.

"Tungkol saan naman iyan?"

"Usap-usapan na may pinatalsik daw ni sir Clyde dahil hindi daw nagawa yung inutos niya. Hindi ko alam kung saang department siya. Ang narinig ko ay nagmakaawa daw yung tao para huwag tanggalin kaya lang mas lalo daw nagalit si sir at pinakaladkad sa guard palabas ng building."

"Baka naman sobrang importante ng pinapagawa sa kanya kaya ganon na lang si sir kung magreact." Pagtatanggol ni Hanz. May katwiran naman siya at tingin ko sa ugali ni Clyde ay hindi niya gagawin iyon ng walang dahilan.

"Basta nakakatakot pa rin magalit si sir. Lahat ng hindi sumusunod sa kanya ay tanggal agad kaya nga kailangan nating mag-ingat kung ayaw natin mawalan ng trabaho." Malaking kawalan sa isa sa amin kung matatanggal kami. Maayos naman ang sahod dito at kilala pa.

"Cassandra hindi mo pa nababasa yung note dyan sa rose mo." Napalingon ako kay Laurel at ngayon ko lang namalayan na hindi ko pa nagagalaw yung binigay niya. Binuksan ko ito.

Waiting for someone is not my style but if it is you, I can endure everything just to have you.

Love,
CGV

Nagulat ako ng marinig ko ang tilian nung dalawa. Hindi ko napansin na nasa tabi ko pala sila nung binabasa ko yung note. Mas naapektuhan sila sa sinabi ni Clyde pero aaminin ko kinilig ako. Niyuyugyog pa nila ako na akala mo sila ang sinabihan ni Clyde.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon