Chapter 32

170K 3.9K 103
                                    

Sa mga wrong spelling o grammar, pagpasensyahan niyo na. Hindi ko na kasi macheck. Naiintindihan pa naman yung mga words ko, di ba? Huwag niyong kalimutan ang magcomment. Sa next update ulit.

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

**********

Pakiramdam ni Cassandra na may hindi magandang mangyayari ngayon. Kanina pa siya kinakabahan at mas lalo pa siyang kinutuban na may mangyayari ng mapansin na ang seryoso ni Clyde. Nang tanungin ko siya kanina ay wala naman siyang sinabi.

Nakalabas na rin ako ng ospital kahapon pa at ngayon ay papasok na ako dahil dalawang araw na akong absent sa trabaho.

"Clyde, may problema ba tayo?" Nakatingin ito sa harapan dahil nagmamaneho ito pero nang marinig niya ako ay saglit siyang tumingin sakin.

"Bakit mo naman nasabi na may problema tayo?"

"Bakit kanina ka pa tahimik at seryoso dyan? Galit ka ba sakin kaya ayaw mo man lang akong tingnan mula pa ng lumabas ako kahapon?"

"May dapat ba akong ikagalit, Cassandra?" Tungkol kaya ito sa mga sugat ko?

"Clyde, tungkol ba to sa nangyari sakin kaya ayaw mo akong pansinin?"

Hindi siya umimik at parang walang narinig. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. Pakiramdam ko may alam na siya at ang hindi niya pagpansin sakin ang hindi ko inaasahan na gagawin niya.

"Clyde..." Napansin ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa manibela at pagkunot rin ng noo nito.

"Kailan mo ba balak sabihin sakin ang nangyari sayo?"

Hindi ko siya matingnan dahil alam kong may mali ako at natatakot ako na makita ang reaksyon niya.

"Ang dapat ko pa lang itanong kung may balak ka bang sabihin sakin, Cassandra?!" Napapikit ako ng bahagyang tumaas ang boses niya.

"Clyde, let me explain please... Pakinggan mo muna ako. Tatanggapin ko ang lahat ng gusto mong sabihin sakin o kahit anong punishment but just listen to me first."

He sighed then I felt that he holds my hand without looking at me. It gave me courage to tell him what he really wanted to know.

"Sa totoo lang ay wala akong balak sabihin sayo ang nangyari dahil alam kong magagalit ka. Ayokong makita mo ako sa sitwasyon ko kaya mas minabuti ko na lang na hindi pumasok dahil masama na rin ang pakiramdam ko noong araw na iyon."

"Alam kong mali ang maglihim dahil alam kong magagalit ka pero natatakot lang ako sa maaari mong gawin sa kanila."

"Violence is a major offence and they knew what the consequence of their actions so why are you protecting them!"

"Maaapektuhan ang pamilya nila, Clyde. Alam kong paalisin mo sila kapag nalaman mo."

Malapit na kami at hindi ko alam kung ano na ang iniisip ni Clyde. Alam kong galit siya at ayoko ng magtanong kung tinanggap niya ba o hindi ang reason ko sa kanya.

Hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako ng pinto na lagi niyang ginagawa kapag sumasakay ako sa kotse niya at bumaba na ako. Lumapit siya a akin at kinuha ang kamay ko at sabay na kaming pumasok sa entrance ng building.

Ang daming tao. Napatingin sila sa amin at alam kong ang iba sa kanila ay nagtataka kung bakit may band-aid ako sa braso ko.

Pumunta kami sa harapan at binigyan ng mic si Clyde. Hindi niya pa rin ako binibitawan kaya pati ako ay nakatayo sa tabi niya.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon