Chapter 41

153K 3K 113
                                    

This is a warning for my readers. May eksena dito na hindi angkop sa iba sa inyo. Hindi ako nagsusulat ng mga ganoon kaya pagpasensyahan niyo na. Hindi siya katulad ng mga nababasa niyo, lilinawin ko lang. Bago lang ako sa ganito.

Do vote, comment and follow me.

*~💞~*

Ilang oras na kami sa private room na ito at puro kwentuhan lang ang ginawa ng mga kaibigan ko tungkol sa akin. Masyado namang attentive ang katabi ko habang nakikinig sa kanila. Nahihiya na lang ako sa pinagsasabi nila kay Clyde pero hindi ko naman sila magawang pigilan kahit kanina ko pa ginagawa.

Kapag sinusubukan ko, kung hindi si Kim ang hindi papansin sa akin ay tinitingnan naman ako ni Clyde na parang nagugustuhan niya ang mga naririnig niya. Puro kapalpakan ko ang mga sinasabi nila kapag umaalis kami o may nagyaya na pumunta sa ibang lugar para makapagrelax.

"Alam niyo po sir, minsan ay nadulas si Cassandra at nahablot niya ang damit ni Brix kaya pareho silang naligo sa putikan. Hindi po kasi niya napansin na basa yung lupa at mabuti na lang na malayo kami sa kanya at kami pa ang nakasama niya sa paglanding."

"Kinailangan naming maghanap ng ilog para makapaghugas sila kaso natapilok na naman si Cassandra kaya natulak niya si Brix sa ilog."

Nakasimangot na si Brix. Naalala ko pa iyon na talagang sobrang malas ko ng araw na iyon. Nadamay pa siya pero hindi naman siya nagalit. Tinawanan na lang niya ang nangyari sa amin.

"I didn't know that my girlfriend was a clumsy girl. Do I need to carry you in case we plan to do an adventure activities?" Seryoso ba siya o nagbibiro lang?

"You don't need to do that."

Nakalipas pa ang isang oras ng magyaya na silang umuwi. Halatang lasing na sila Kim dahil nakasandal na sila sa upan at nakayuko na. Ang tatlong lalaki naman ay tipsy na.

Inalalayan ko si Clyde sa paglalakad. Hindi na siya masyadong makapaglakad ng maayos sa kalasingan. Tinulungan na ako ng isang bouncer papunta sa kotse nito.

"Ma'am, marunong po ba kayong magdrive?"

"Hindi. Meron ba kayong kilalang pwedeng maghatid sa amin?"

"I can still drive, baby. Give me 5 minutes then we will go home."

Pinaalis na niya ang bouncer at sumakay na kami. Hinayaan ko muna siyang makapagpahinga. Nakahawak siya sa noo at hinihilot ito.

"Sure ka bang kaya mo pa?"

Dumilat ito at ngumiti. Ayos naman siya. Pinaandar na niya ang kotse at umalis na kami. Nakarating na kami at hindi ko hinayaan na ipagbukas pa ako ng pinto ni Clyde at lumabas na ako. Nakita kong pinatay na niya ang kotse at nilagay sa bulsa ang susi.

Tinulungan ko siya makalabas sa kotse dahil nahihilo pa ito.

"Clyde, give me your keys." Kailangan ko muna ilock yung loob ng kotse bago kami umakyat.

"Get them on my pocket, baby."

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Hindi ko napansin kung saan sa bulsa niya nilagay. Pinasok ko na ang kamay ko. Bakit wala akong makapa? Ang lalim naman kasi ng pantalon nito. May nakapa na ako pero napansin ko ang pag-ungol ni Clyde.

"May masakit ba sayo?" Umiling ito kaya pinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

Pinasok ko pa ang kamay ko pero nagtaka ako bakit malambot ang nahahawakan ko kaya pinisil ko ito. Lumakas ang ungol nito.

"Ano ba ang nangyayari sayo, Clyde?"

"You grabbed my 'thing' not my keys, baby"

Ano ba ang sinasabi niyang thing? Naramdaman ko biglang tumigas ang hawak ko kaya napatingin na ako sa hinahawakan ko. Nakatingin ako kay Clyde habang kinakapa ang bulsa niya kaya hindi ko alam ano na ba ang nahahawakan ko.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon