Chapter 27

195K 3.6K 44
                                    

Another update! Hindi ko na paghihintayin ng sobrang tagal ang mga readers ko. Hehehe. May matutuklasan kayo sa chapter na to. Nakakatuwa na may naglalagay pa rin ng story ko sa reading list nila. Leave your comments pa rin kung nagustuhan niyo ang chapter na to. Welcome sa mga bagong followers ko. :)
My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***************
"Anong ginagawa mo dito?" Nakatingin lang ako sa nagpapabbigay ng pagkain sa amin. Ngayon ko na lang ulit siya nakita.

"Bakit bawal na ba akong kumain dito, Clyde?" Umupo ito sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo, Alex." Tumawa siya at tumingin sa akin.

"Napakaseryoso naman ng boss mo, Cassandra. Kung hindi mo na matagalan ang pagkamasungit at pagkaistrikto niya, lumipat ka na lang sa kompanya ko. Mabait akong boss." Kinindatan pa ako kaya natawa ako sa kanya. Paniguradong iniinis lang niya si Clyde kaya niya sinasabi ito.

"Sandra, lumipat ka dito sa tabi ko at baka hindi ako makatimpi sa katabi mo at uuwi siyang may pasa." Tumayo ako at lumipat sa tabi ni Clyde at baka totohanin niya ang sinabi niya pero hindi ko maiwasan ang matawa sa inaasal niya.

"Last time na nagkita tayo ay ayaw mong pahawakan ang kamay ni Cassandra pero ngayon ay bawal na siyang tumabi sakin. Binakuran mo na talaga siya."

"Kapag gusto mo, babakuran mo pero kapag mahal mo, aangkinin mo." Hinawakan ni Clyde ang kamay ko at doon natuon ang atensyon ni Alex.

"KAYO NA!?" Tumango ako at natulala siya sa pagkompirma ko sa tanong niya.

"Cassandra, sinunod ba ni Clyde ang sinabi ko? Dinaan ka ba niya sa dahas para sagutin mo siya? Alam kong nakakatakot siya kapag business na ang pinag-uusapan but I assumed that he  i even more scarier when he court someone." Sabi nito. Hindi naman nakakatakot si Clyde noong nanliligaw siya pero kapag nagselos na siya ay lumalabas ang pagkapossessive niya.

"No. He courted me for almost 2 months and during that days he did his best."

"Clyde, binata ka na! Akala ko hihintayin mo pang malaman ng kambal ang tungkol sa sinisinta mo bago ka pa gumawa ng paraan para makuha siya." Inambahan ni Clyde na ibabato ang kutsara niya kaya umilag ito.

"Tumigil ka na at ibabato ko na sayo to."

"Okay...Titigil na. Hindi to mabiro."

Lumapit ulit yung waiter na kaninang nagbibigay ng pagkain sa amin at dala niya ang mga pagkain na kaninang binibigay niya na order ni Alex.

"Tanggapin niyo na to. Minsan lang ako manlibre, Clyde. Lubusin mo na ang kabaitan ko ngayon di ba, Cassandra?" Makulit rin ito. Kaya nakakatawa siya kapag nakikipag-usap siya. Hindi na umangal si Clyde ng maserve na ng waiter ang mga pagkain.

"Kamusta na ang pinagagawa ko sayo, Alex?"

"Pwede bang pag-usapan natin iyon sa office mo? May mga itatanong ako sayo tungkol sa gusto mong ipagawa."

"Let's go."

**************

Nakatingin lang ako sa labas habang nag-uusap silang dalawa. Wala naman akong alam sa pinapagawa ni Clyde kaya mananahimik na lang ako. May ibang bagay akong iniisip ngayon.

Kamusta na kaya si Hanz? Pumasok kaya siya ngayon kahit may mga pasa pa siya. Pumasok kaya sila Kim. Sabi kasi ni Clyde na hindi kami papasok pero ngayon ay pupunta kami sa office niya at sana makita ko sila.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon