Chapter 29

178K 3.1K 51
                                    

Happy Mother's Day sa lahat ng nanay at sa mama ko. Batiin niyo rin ang mga nanay, mommy, mama o anuman ang tawag niyo sa kanila.

Masaya ako at naka-100 k na ang reads ko. Hindi ito aabot ng ganito kundi dahil sa inyo mga readers ko kaya salamat sa inyo at sa mga comments niya na minsan nagpapatawa sakin. Sana huwag kayong magsawa sa paghihintay.

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***********

Hawak pa rin niya ang kamay ko habang papunta kami sa fastfood  na lagi naming kinakainan. Naalala ko na naman ang sinabi niya kanina. Wala naman palang basehan ang pagtatampo ko.

"Saan ba yung fastfood na sinasabi mo, baby?" Lumingon siya sa akin.

"Akala ko naman alam mo kung saan kasi kanina pa tayo naglalakad." Napahawak siya sa batok niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ayokong magutom ka kaya hindi ko na tanong kung saan yung pupuntahan natin. Sorry..." Ngayon ko palang nakitang ganito siya, na parang nahihiya sa nagawa niya.

"Ang hilig kasing manghatak ng baby ko kaya napalayo tayo sa pupuntahan natin." Kanina pa kaming naglalakad at ang napansin ko lang ay paikot-ikot na lang kami. Ang akala ko naman ay alam niya kaya hinayaan ko na lang siya kung saan niya ako dalhin.

Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko. Pagtingin ko ay tumatawag si Laurel.

"Hello..."

"Cass, hindi na kami natuloy sa fastfood na pinag-usapan natin. Nandito kami sa karinderya ni Aling Rosa. Sasabay ka ba sa amin?"

"Kayong tatlo lang ba ang nandyan?" Nakatingin lang sa akin si Clyde habang nakikipag-usap ako.

"Oo. Hindi ba itinakas nung kaibigan ni sir si Kim kaya tayo lang ang magkakasabay kumain."

"Pwede mo bang padagdagan ng isa pang upuan? May sasabay kasi sa atin." Narinig ko ang boses ni Brix at Hanz sa kabilang linya.

"Sige. Hintayin ka na lang namin dito. Bye" Itinago ko na ang cellphone ko.

"Hindi na sa fastfood ang pupuntahan natin, Clyde. Hinihintay na nila tayo." Ako na ang naunang naglakad at sumusunod siya. Baka hindi na kami makarating sa pupuntahan namin kapag siya na naman ang mauuna.

Nakarating na rin kami. Napansin kong kakaunti pa lang ang tao dahil alas onse pa lang. Pagkapasok namin ay hinanap ko kaagad sila Laurel.

Nakita ko sila sa bandang likod kaya hinatak ko na si Clyde palapit sa kanila. Si Brix ang unang nakakita sa amin. Natawa ako sa kanya ng isusubo na niya ang pagkain niya pero ibinaba niya ulit ng makita kami.

"S-Sir Clyde... Kain po." Tumayo pa ito kaya napatingin rin sa amin ang tatlo.

"Kain po sir." Tumango lang si Clyde. Pinaghatak ako ng upuan ni Clyde at umupo na ako. Magkatabi ang upuan na pinareserve ni Laurel.

Napatingin ako sa kanila at napansin ko lang na ang tahimik nila. Kapag kumakain kasi kami ay laging maingay lalong lalo na si Brix at Laurel.

"Anong nangyari sa inyo?" Umiling lang ang dalawang maingay sa amin. Tumingin ako kay Hanz at pasimpleng itinuro ang katabi ko.

Iniwan ko muna sila at pumunta sa counter para mamili ng ulam namin. Ang mga pinili ko ay menudo, adobong pusit at kaldereta. Hindi ko naman alam kung ano ang gusto ni Clyde kaya mas magandang marami siyang pagpilian.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon