Chapter 13

264K 5.5K 61
                                    

Salamat po sa bagong followers ko at mga nag-add ng story ko sa reading list nila.I dedicate this to the one who commented first on the last chapter, loveyoukitty. Kung gusto niyo pong mapasama kayo sa mga author's note ko. Leave your comments or suggestions.Thank you again.

Do vote, comment and follow me.

******************

Bakit ang daming miscalls and messages sa cellphone ko? Tiningnan ko yung number pero hindi siya nakalist sa mga contacts ko. Wala naman akong inaasahang tawag o text sa boutique na nakaassign sa amin. Nacheck ko na lahat ng files na kailangan ko kaya malamang hindi kanila ang number na to.

Bigla akong kinabahan. Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda kapag binuksan ko yung mga messages na nasa inbox ko. Kapag nasimulan ko ng basahin yung mga messages baka malaman ko kung sino pero parang sinasabi ng konsensya ko na hayaan na lang at huwag ko ng basahin dahil baka magsisi ako.

Pero namayani ang curiosity ko kaya lakasan na lang ng loob at babasahin ko na kung sinuman ang mga nagpadala ng mga messages na to para matahimik ang kalooban ko. Hanggat hindi ko nalalaman kung sino to ay hindi ako makakatulog at iisipin kung sinuman siya. Binuksan ko na ang unang messages sa inbox ko.

From: 093966XXXXX

     Where are you?

Napakunot- noo ako ng mabasa ito. Bakit tinatanong kung na saan ako?

From: 093966XXXXX

     Why did you not pick up your phone? I was calling you.

From: 093966XXXXX

     I'm starting to get mad at you. ANSWER MY CALLS!

From: 093966XXXXX

     If you will not answer my damn call after this, I will go to your place!! You better have a good reason of why you were neglecting all of my calls.

Habang binabasa ko ang mga messages ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko dahil parang familiar kung sinuman ito.

Siguro kung hindi text ang mga ito ay aakalain ko si sir Clyde ang nagtetext sa akin. Ganito kasi siya makipagusap sa akin. Pero malabo namang magkaroon siya ng number ko at tawagan ako dahil hindi naman niya hiningi ang number ko pero kung meron siyang kopya ng profile- Wait a minute! Binasa ko ulit yung mga messages sa cellphone ko at napansin na nagcuss ito. Kaninang binasa ko ay hindi ko man napansin pero ngayon malinaw pa sa tubig ang nabasa ko. Narinig ko may kumakatok sa pinto ng apartment ko kaya binatawan ko muna ang cellphone ko.

Tumayo ako para mapagbuksan kung sinuman ang kumakatok. Pagkabukas ko ng pinto ay nabungaran ko ang landlady ko, si Aling Celia.

"Good evening po. Bakit po kayo naparito?" Tanong ko sa kanya.

"Magandang gabi rin iha. Bibigyan lang sana kita ng ulam para hindi ka na magluto. Naparami kasi ang luto ko kaya naisipan kong bigyan ka."

"Maraming salamat po. Pasok po kayo sa loob. Sakto po hindi pa ako nakakapagluto." Pinapasok ko siya at nagtungo naman ako sa kusina para isalin ang binigay ni aling Celia na ulam sa pinggan.

"Iha may dumating na binata kagabi rito sa lugar natin."

Napahinto ako sa ginagawa ko ng marinig ko ang sinabi ni aling Celia.

"Sabi ng iba pang tenants na katabi lang ng apartment mo ay may pumarada raw na magarang kotse at lumabas ang isang gwapong binata. Hindi nila matukoy kung sino ang sadya nito."

Binilisan ko na ang pagtapos sa ginagawa ko para makausap ko si aling Celia ng masinsinan. May kailangan akong makumpirma sa kanya. Nang matapos ako ay umupo ako sa sofa kung saan nakaupo si aling Celia habang naghihintay.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon