Chapter 33

167K 2.8K 65
                                    

Nakakainis naman at hindi man lang nasave yung unang draft ko sa chapter na to. Nagloko kasi yung app ko at biglang nag-exit kaya nirush kong matapos ito. Leave your comments again guys!!

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***********

Naglilinis ako ng kusina at pumunta naman si Clyde sa office niya. Simula ng tumira ako sa penthouse niya ay napansin kong maagang pumupunta si Clyde sa office niya. Ganito ba siya lagi?

Mag-iisang linggo na ako dito. Naging maayos naman ang paglipat ko.  Noong una nga lang ay nag-aaway kami dahil ang mga desisyon ay laging siya ang nagbebenefit. Kapag naman hindi ako pumapayag, gagawa siya ng paraan para sa huli ay sumunod ako sa gusto niya.

Flashback

First night

Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mga gamit ko. Wala naman sinasabi si Clyde kung saan ko ilalagay basta iniwan niya ako sa sala.

Nakaupo lang ako habang hinihintay sa pagbabalik niya. Dinala ko ang lahat ng mga damit at gamit ko. Nagpaalam na rin sa landlady ko na lilipat na ako ng apartment. Hindi ko na sinabi na titira ako sa bahay ng boyfriend ko para aalis ako sa lugar na iyon ng maayos.

Dumating na rin si Clyde at nakangiti itong lumapit sa akin.

"Nandito na ba ang lahat ng gamit mo, baby?" Tumango ako. Sigurado akong wala na akong naiwan sa apartment.

"Saan ko pala ilalagay ang mga damit ko, Clyde?" Kinuha niya ang mga bag ko na naglalaman ng lahat ng mga damit ko na galing sa apartment ko.

Sinundan ko siya at natigilan ako ng pumasok siya sa kwarto niya. Pumasok na rin ako sa loob at nakita kong nilagay niya sa ibabaw ng kama ang mga bag.

"Inayos ko na ang mga damit ko, baby. Pwede mo ng ilagay ang mga damit mo sa mga cabinet."

"Bakit ko ilalagay ang mga damit ko sa cabinet mo, Clyde? Dito ba ako matutulog sa kwarto mo?" Tumingin ito.

"Oo. Hindi ba napag-usapan na natin ito. Na dito ka na titira at dito ka rin sa kwarto ko." Parang wala naman akong natatandaan na pumayag rin ako na magsama kami sa iisang kwarto.

"Wala na bang ibang kwarto na pwede kong gamitin, Clyde? Nakakahiya naman sayo kung magkasama pa tayo sa room mo" lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga braso ko.

"Wala na at huwag ka ng mahiya sa akin, baby. Sinasanay na kita dahil ganito rin naman tayo kapag pinalitan ko na ang apelyido mo ng Villacorte."nag-init ang pisngi ko at lumayo sa kanya para makaiwas.

Lumabas ako ng kwarto niya at sumunod siya. Umiiwas muna ako sa kanya pero sinusundan niya pa rin ako.

"Sa sofa na lang ako matutulog kung wala ng akong ibang pwedeng tulugan, Clyde."

"Wait, baby. Hindi ka pwede sa sofa." Tumingin ako sa kanya,"Bakit hindi ko pwedeng gamitin?"

"Ipapatanggal ko na sa security yon para wala ka ng magamit at sa kwarto na kita matutulog." Ngumisi pa ito. Naalala ko na may couch sa office niya kaya pupunta ako doon. Akala niya ba wala na akong mahahanap.

"Saan ka na naman pupunta?"

"Sa office mo. May couch don. Pwede ko ng tulugan iyon." Hinawakan niya ang braso ko kaya nahinto ako sa pagpunta sa office niya.

"Hindi ka rin pwede doon."

"Bakit ipapatanggal mo rin?" Lahat na lang ba na pwede kong tulugan ay ipapatanggal niya.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon