Chapter 52

122K 2.4K 58
                                    

Highest ranking #10

Kayo ang inspiration ko. Huwag sana kayong magsawang sumubaybay sa kanila.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Nakakailang room pa lang ang nababawas sa mga binigay ni Thalia at pagod na pagod na ko. Ang bigat pa nitong tinutulak kong cart na lalagyan ng mga cleaning tools ko. Hindi ko maisip na nagawa ko ang trabahong ganito. Hindi ko naman sinasabing hindi marangal ito pero nag-aral ako at ang mga kasama ko para makakuha ng magandang trabaho.

Siya lang ang nakapagpagawa sakin nito kaya hindi ko matanggap na wala akong magawa ngayon. Masyado niya akong pinapahirapan na kahit kaibigan ko ay nagawa niya ang ganitong bagay na wala naman silang kinalaman sa alitan namin. Hindi siya lumaban ng patas at tinulungan pa siya ng daddy ni Clyde na hindi man lang nagdalawang isip na tanggapin na pahirapan ako.

"Bakit ang gulo naman dito? Sinabi ni Thalia na imomonitor ko kung malinis, wala naman siyang sinabi na talagang ako na maglilinis ng bawat room dito."

Sa mga naayos ko ng room ay hindi naman masyadong magulo kaya natatapos agad ako. Ito na ang unang napuntahan kong sobrang gulo. Wala man lang bang pupunta dito para tulungan ako.

Lumabas ako para maghanap ng ibang chambermaid na pwede kong mahingan ng tulong. Oras ang itatagal ko kung ako lang ang maglilinis. Iniwan ko muna ang cart ko sa loob at sinarado ito.

Nasaan na ba ang mga tao dito? May nakita akong babae na nakauniform at sinundan ko. Bigla na lang nawala. Lumiko ako at nakitang pumasok ito sa isa pang silid. Nagmamadali ito.

"Miss!"

Hindi ito tumigil at sinarado ang pinto. Hindi niya ba ako narinig? Bukas pa naman yung pinto ng tawagin ko siya kaya maririnig niya pa ako. Hinayaan ko na lang at naghanap ulit ako. Malapit na ako sa iniwan kong room kanina pero wala pa rin.

May narinig akong nag-uusap kaya sinundan ko. Tumigil ako ng marinig ko ang pinag-uusapan nila.

"Nakita mo ba yung kasama ni Ma'am Thalia kanina?"

"Sino? Ang dami kaya niyang kasama kanina."

"Yung babaeng nakasalamin. Yung maputi at matangkad pero manang kung manamit. Nakita mo?"

"Oo. Bakit ano ang tungkol sa kaniya?"

"Pinapasabi ni Ma'am na huwag nating papansinin ang babaeng yon kapag nakita natin. Hindi rin dapat tayong makialam sa mga nakaassign sa kaniya."

"Ano kaya ang ginawa niya parang may galit sa kanya si Ma'am."

"Huwag mo ng alamin kung ayaw mong matanggal sa trabaho. Layuan natin ang babaeng iyon para hindi tayo mapagalitan."

Iniwan ko sila at bumalik sa room. Kaya naman pala lumalayo sila. Siya na naman ang dahilan. Sinabi pa niyang pwede akong magtanong sa ibang tao tapos pinagbawalan naman niya.

Kinuha ko na ang mga gagamitin ko at sisimulan ko na. Wala akong makukuha tulong sa iba at dapat kayanin ko ito para hindi masiyahan si Thalia sa mga ginagawa niya sakin.

Sana umuwi na si Clyde. Alam kong hahanapin niya ako at kapag nalaman niya na nandito ako ay aalisin niya ako sa lugar na to. Makakabalik na kaming lima sa Villacorte.

Pumasok ako sa kwarto at ang gulo ng kama. Nagkalat ang mga damit sa lapag. May mga wrappers rin ng mga junk food na hindi man lang itinapon sa trash can kaya nagkalat ang mga tira nito.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon