Chapter 12

260K 5.2K 228
                                    

Nang marinig ni Cassandra ang boses ni Clyde ay parang nawala ang antok nito. Bigla na lang nagising ang diwa niya dahil sa tono ng pananalita nito. Nanlaki pa ang mga mata niya dahil naabutan niya si Clyde sa tapat ng office nila. Tuwing may inspection at floor checking lang kung pumunta ang mga head ng mga different departments at si Clyde pero ngayon ay nakatayo ito sa harapan niya at nanlilisik ang mga mata na parang pinahihiwatig niya na may mali na naman itong nagawa.

"Good morning,Sir." bati ko. Para naman mabawasan ang tensyon sa pagitan namin at para may dahilan akong makapagsalita.

Nakita kong nagsalubong ang kanyang kilay kaya kinabahan na naman ako. Bakit mas lalo yatang nagalit siya sa ginawa ko?

"Hindi maganda ang umaga ko ngayon, Sandra. Alam mo ba kung bakit!" Bad mood siya ngayon. Ako pa yata ang unang makakaranas ng pagkaistrikto niya ngayong umaga. Ang pinagtataka ko ang layo ng office niya sa floor namin para mapadpad siya rito.

"B-Bakit po?"

"There was this girl that I kept texting and even calling last night because I am so worried to the point that I had to go to her place just to make sure if she was in her apartment. When I was there, I kept knocking at her door but no one answered so I stayed for 4 FUCKING HOURS to wait for her." Napansin ko ang pagdiin niya sa pagsasabi kung gaano siya katagal naghintay sa bahay nung babae. Talagang mararamdaman mo yung pag-aalala nito pero sa huli niyang sinabi ay naramdaman ko yung galit niya. Mag-aalala tapos magagalit?

"D-Did you saw her last night while w-waiting for her?" Naintriga na ako sa kwento ni Clyde kaya nagtatanong na ako. Gusto lang pala niya ng makakausap kaya siya pumunta rito. Basta ba hindi niya ibubunton yung galit niya sa akin at makikinig ako sa kanya.

May narinig akong paparating sa direksyon namin kaya nagpanic ako. Baka yung mga empleyado na yun na nagtatrabaho sa katabi lang ng office namin at makita kami ni Clyde na naguusap nito. Ang alam ko pa naman ay mga tsismosa yun. Ang sabi ni Kim kapag may nakita agad silang kakaiba ay kinukwento na nila sa iba kaya nga ayokong naglalapit sa kanila. Kahit wala naman kaming ginagawa ni Clyde ay bigla silang gumagawa ng kwento. Tapos na ang tahimik kong buhay kapag nangyari yun. Pero napaisip ako, wala bang kakaiba sa amin ni Clyde? He confessed that he likes me but I didn't took it seriously even though he said that he was serious that time.

Napansin ni Clyde ang pagkabalisa ko at pagtingin sa direksyon na naririnig kong may paparating kaya hinatak niya ako papasok sa office namin.

Umupo ako at siya naman ay nakasandal lang sa may pinto. Nakahinga na rin ako ng maluwag na alam kong safe na ang tahimik kong buhay sa office.

"You did not answer my question a while ago,Sandra" lumingon ako sa kaniya.

"What is it again,sir?" Oo nga pala may tinanong siya kanina at nakalimutan ko ng sagutin kanila dahil nagkwento na siya.

"Saan ka nagpunta kagabi?"

"Lumabas lang kami kasama yung mga katrabaho ko. Nagyaya kasi sila kaya umalis na agad kami ng makapagout na kami kahapon. May problema po ba?"

"Saan kayo nagpunta?"

"Sa bar." napansin kong tumayo ito ng maayos at nagsalubong na naman yung kilay niya. Unti- unting lumalapit ito sa akin. He put his hands in both side of my armchair.

"Sino ang mga kasama mong nagpunta sa bar?"

"Sila Hanz. May bago kasing tayong bar malapit lang dito kaya nagyaya sila"

"A guy! YOU WENT TO THAT BAR WITH A GUY!"

"Y-Yes. Kasama rin namin si B-Brix."

"Umalis ka ng maaga kahapon para lang sumama sa mga lalaking yon! You didn't even think that they can do whatever they want to do with you. TELL Me,Sandra! Did they touch you!?"

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now