Chapter 20

242K 4.6K 193
                                    

Pasensya na sa late na update guys. Alam kong yung iba naiinis na sa akin dahil sa sobrang tagal. Wala kasi kaming internet sa bahay at nakakapagupdate lang ako sa WiFi ng school namin.

I'm being resourceful. :) Sana pagbigyan rin ni Lord yung hiling ko. I really hope that he will grant my wish. To my beloved readers, don't forget to leave a comment and vote. My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

**************

Hindi ko pa rin makalimutan ang mga sinabi ni Clyde sa akin sa orphanage. Sigurado talaga siyang mapupunta ako sa kanya kahit anuman ang mangyari. Napakaconfident niya. Masasabi pa kaya niya yun kung may ibang taong magkagusto rin sa akin?

Inalis ko na lang sa isipan ko na baka may magkagusto pa sa aking ibang lalaki. Impossible na yun. Hindi ko pa rin alam kung ano ang nagustuhan sa akin ni Clyde. Hindi naman niya kasi sinasabi kaya nga wala pa rin sagot sa tanong ko.

Malapit na ako sa entrance ng company at nakita ko si manong Roel.

"Good morning po!" Napangiti ito ng makalapit na ako sa kanya.

"Good morning rin iha. Ang aga mo na naman ngayon."

"Maaga po kasi akong nagising kaya pumasok na po ako at maghihintay na lang po ako sa office." Napansin ko na lumungkot ang mukha niya kaya nagtaka ako. May problema ba siya?

"Ano pong problema,manong Roel?" Hinawakan nito ang kamay ko. Bakit kaya?

"Basta huwag kang magpapaapekto sa mga sinasabi nila, Cassandra." Hindi ko siya maintindihan.

"Ano po yung sinasabi niyo?" Binitawan na niya yung kamay ko at ngumiti ulit.

"Pasok ka na. Tandaan mo yung mga sinabi ko. Kilala kita kaya hindi ako naniniwala sa mga sinasabi nila. Isa kang mabait na bata kaya magpakatatag ka." Naglalakad na ako papuntang elevator at ng makasakay ako ay hindi ko pa rin makalimutan yung mga sinabi ni manong Roel. Sino ba yung sinasabi niyang 'nila'?

Pagkabukas ng elevator ay may nakakasalubong akong ibang employees ng iba't ibang department. Pero ang pinagtataka ko bakit sila tumitigil at tinititigan ako ng masama. Bakit ganon sila tumingin? Tiningnan ko naman yung damit ko kung maayos ito at wala naman akong nakitang dumi. Bahala nga sila at papasok na lang ako. Hindi lang siguro maganda ang gising nila at ako ang napansin.

Nagsimula na ulit akong maglakad pero ganoon pa rin yung binibigay nila sa aking tingin tapos yung iba nagbubulungan tapos titingin sa akin. Ano ba talaga ang nangyayari?

Binilisan ko na lang ang pagpunta sa office. Napapikit ako at nakahinga na ako ng maluwag dahil hindi ko na sila makikita. Pagbukas ko ulit ng mga mata ko ay napansin na wala pa rin sila. Nagtungo na ako sa table ko.

Sa ibabaw nito ay napansin ko ang rose na laging binibigay ni Clyde pero meron pang isa? Kanino naman ito.

Kinuha ko muna yung galing kay Clyde at binasa yung note na kasama ng rose.

Every second, I want to hear your voice. Every hour, I want to hold you in my arms. Each day, I want to see you when I woke up. Can you grant my wish? Can I keep you for myself?

Your baby,

CGV

Napangiti ako sa note niya. Pinalitan na niya ang tawag sa akin at talagang tinuloy na niya ang pagtawag sa akin ng 'baby'.

"Wow, Cassandra! Ang dami mong roses ngayon." Nabitawan ko tuloy yung mga bulaklak dahil nagulat ako kay Kim.

"Ano ba naman,Kim! Nanggugulat ka naman. Bakit hindi ko narinig na pumasok ka?" Humarap ako sa kanya.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon