Chapter 31

157K 3.5K 99
                                    

Salamat sa mga nagcomment. Ngayon alam kong may nagbabasa pa rin nito. Pinapaulit ulit kong binabasa ang comments niyo at ang iba ay natawa ako. Ipagpatuloy niyo lang po ang magandang gawain niyong magcomment. :)

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***********

Unti-unti kong minulat ang mata ko dahil nasisilaw ang mga mata. Paniguradong umaga na sa labas kaya kailangan ko ng bumangon. Nagtry akong bumangon kaso ang bigat ng katawan ko at nanghihina ako.

Inabot ko ang cellphone ko para malaman kung anong oras na. Alas nuebe na. Hindi ako nagising ng maaga. Nag-alarm naman ako kaso hindi ko narinig na tumunog ito.

Napansin kong may mga misscalls ng mga kaibigan ko. Wala man akong nasagot ni isa sa kanila at paniguradong nag-aalala na sila.

10 misscalls from Kim

3 misscalls from Laurel

Kailangan ko silang matext para mapanatag na sila. Tumunog na naman ang cellphone ko at tumatawag na naman si Kim.

"Hello...Cassandra?"

"H-Hello..."Namamaos ang boses ko.

"Mabuti na lang at sinagot mo. Kanina ka pa namin tinatawagan at hindi mo naman sinasagot." Sabi niya.

"S-Sorry...ngayon lang ako nagising."

"Bakit ganyan ang boses mo? Natuloy na ba sa trangkaso ang sinat mo?" Alam kong nag-aalala na siya. Sinalat ko naman ang noo ko. Nakalimutan kong hindi ko malalaman kung may lagnat ako kung hindi ko kukunin ang thermometer.

"S-Siguro nga. P-Pwede bang pasabi na lang kung bakit hindi ako nakapasok."

"Sige ipagpapaalam na lang kita. Kumain ka na para makainom ka ng gamot. Huwag mong papagurin ang sarili mo, Cassandra." She ended her call.

Bumangon na ako. Pumunta ako sa kusina kung meron akong pwedeng kainin. Gusto ko ng mainit na sabaw. Hindi ko lang alam kung may aabutan pa akong nagtitinda ng sopas sa labas.

Hahanap na lang ako para magkalaman lang tiyan ko. Wala pala akong gamot sa lagnat. Isasabay ko na sa pagbili ng pagkain sa labas.

Nakalabas na ako sa apartment ko at kinakailangan ko pang humawak sa gate para alalayan ang sarili ko. Nahihilo ako.

Sa kabilang kanto pa ang nagtitinda ng mga pagkain at mahabang paglalakad pa ito. May nakita akong nagtitinda kaya nilapitan ko ito.

"Meron pa po ba kayong tindang sopas?"

"Mabuti at nakaabot ka pa, iha. Isang order ba?" Tumango ako. Pagkabigay niya ay nagtungo na ako sa drug store. Kailangan ko pang tumawid dahil nasa kabilang kalsada pa ito.

Bumili ako ng limang tableta para sa lagnat. Mas magandang may extra para hindi na ako mahirapan. Pagkabigay ng pharmacist ay lumabas na ako.

Nilabas ko ulit ang gamot para makita kung anong gamot ang binigay niya.

"MISS TUMABI KA!" Nakarinig akong may sumigaw at napatingin ako sa gilid ko ng may paparating na kotse sakin.

Nabitawan ko ang mga hawak ko. Hindi ko magawang gumalaw at hinihintay na lang na mabangga ng kotse. Huminto ang sasakyan na isang metro na lang ang layo sa kinatatayuan ko at hindi ko na alam ang sunod na nangyari ng tuluyan ng magdilim ang paningin ko.

**********

Pagmulat ko ay puro puti ang nakikita ko. Nasaan ako? Hindi ko pa masyadong maaninag ang paligid at nang luminaw na ang paningin ko. Nasa ospital ako. Hindi ko matandaan kung anong nangyari pagkatapos huminto ng sasakyan.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Where stories live. Discover now