Epilogue

256K 4.8K 1.4K
                                    

Pov ni Clyde ang chapter na to. May mga nagtatanong sa inyo na parang matagal na silang magkakilala. Ito na po yung sagot sa tanong niyo. Ito po yung unang pagkikita nila Cassandra at Clyde. Flashback po ito ni Clyde at ano po yung mga nasa isip niya noon. Nandito na rin po yung unang inakala ni Cassandra na first time niyang makita si Clyde. 😊

~¤💞¤~

Tumigil ako sa ginagawa ko. Ang daming papeles na kailangan kong pirmahan. May panibagong ilalagay ang secretary ko kung hindi pa ito mababawasan ngayon. Sumabay na masakit pa ang ulo ko. Nang ibigay na sa akin ang posisyon ni dad, hindi na ako makaalis sa office. Mas lalo akong naging hands-on sa pagpapatakbo kahit na hindi ako lumabas basta mapatunayan ko sa kanya na tama ang desisyon niya sa paglalagay sakin bilang CEO ng kompanya.

Bumukas ang pinto at pumasok si Lancen. What is he doing here this time?

"Hello, Clyde!"

"Anong ginagawa mo dito?"

"May pupuntahan akong bar. Yayain sana kitang samahan ako."

"Lumabas ka na. Mag-isa kang pumunta sa kung saan man yon."

"Lumabas ka naman dito. Ang boring ng buhay mo. Puro papeles ang hawak mo buong araw, hindi ka ba nagsasawa?"

"Kapag pinahawak na sayo ang kompanya ni tito, magiging ganito na rin ang buhay mo, Lancen."

Hindi pa rin siya nagseseryoso sa buhay. Hindi maibigay ni tito sa kanya ng kompanya nito kung alam niyang mapapabayaan. My cousin enjoys his freedom. He can do whatever he wants as long as he will use his own money.

"Ayokong maging katulad mo, Clyde. Gusto kong nagagawa ang mga gusto ko. Hindi nakakulong sa ganitong opisina na walang makausap. Masisiraan ako ng ulo."

"You just say that because you didn't try to learn how to manage your father's company."

"Magtatayo na lang ako ng sariling negosyo ko para hawak ko ang oras ko. Hindi katulad mo na nakalimutan ng tumingin sa salamin at ang tanda mo ng tingnan dahil sa pagpapatakbo ng Villacorte."

I don't care if I looked old for my age as long as finish my work. I'm not like him.

"Samahan mo na ko, kuya."

Lalong sumasakit ang ulo ko sa kanya. Hindi ito titigil at lalayas sa harapan ko. Hindi ito pupunta kung wala itong kailangan.

"Sabihin mo na ang kailangan mo para tumigil ka na, Lancen."

"Samahan mo ko tapos matagal akong hindi pupunta dito. Deal?"

Pabor sakin ang sinabi niya. Saglit lang ako sa sinasabi niyang lugar at iiwan ko na siya pagkatapos. Ginamit namin ang kotse ko at wala itong dala. Baka kinuha ni tito kaya gusto magpasama at gamitin ang sakin. Nakarating kami sa sinasabi niya.

Uminom na ako para makapagrelax. I missed this. Sometimes I wished my father didn't retire so early so that I can enjoy my life. Hindi ko pa nagagawa ang mga gusto ko. Minsan ginusto ko maging katulad ng pinsan ko. Hindi siya na pressure na palitan ang ama niya. Nakailang shots na ako at hindi pa bumabalik si Lancen.

Hinanap ko siya pero hindi ko makita. Lumabas ako at hinanap ang kotse ko sa parking area. Wala na ito. Iniwan ako ng magaling kong pinsan. Dinala ang kotse at naiwan rin sa kanya ang wallet ko. I don't have any money in my pocket and I don't know how can I go home.

Shit! I also forgot my phone. I will kill you, Lancen, for this! It his fault that I stucked in this place. Where am I? Nahihilo na ako sa mga nainom ko.

Hindi na rin ako nakapagbayad. Humanda talaga siya kapag nakauwi ako. Lumayo na ako sa bar at baka hanapin ako. This is my first time to sneaked out.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon