Chapter 24

197K 4.3K 125
                                    

I'm happy because I'm celebrating my birthday in this day. I want to share my happiness with my readers so I update this story for you guys. Thank you for supporting me and my works. I hope that you will not get tired waiting my updates. I am happy whenever I read comments in every chapter I made and it inspires me to make this story exciting. :) Thank you again guys and support also my other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

**************

Hindi ko magawang gumalaw sa pagkakadikit ng mga labi namin. Nabigla ako sa ginawa niya. He kissed me! He knows I have a boyfriend but he still do this act without my permission.

Lumayo na si Lance at nakita ko na ngumiti pa siya. May ginawa siya sa cellphone niya at tumingin sa akin.

"I sent our picture to your boyfriend" then he smirked. Gusto kong alisin ang nakakaloko niyang ngiti pero bakit wala akong lakas gawin yun.

Narinig ko ang tunog ng upuan na pabalyang tinulak at nakita ko si Hanz na papalapit kay Lance. Kinuwelyuhan niya ito,"BAKIT MO GINAWA YUN KAY CASSANDRA!"

Naramdaman kong hinatak ako ni Kim at pinunta sa sulok para hindi kami madamay sa maaaring away sa pagitan ng dalawa.

"Chill pare! Bakit ganyan ka umasta na parang ikaw ang boyfriend ni Cassandra?"

Bigla na lang sinuntok ni Hanz si Lance. Tumumba ito at hawak ang pisnging sinuntok ni Hanz. "SIRAULO KA PALA! Kaibigan ko ang binastos mo at gusto mong hindi ako makialam sa ginawa mo!"

Hinawakan ko si Kim sa braso niya, "Kim, patigilin natin sila." Tumingin ito, "Hayaan mo si Hanz sa gagawin niya sa Lance na yun,Cassandra! Binastos ka ng taong yun kaya hayaan mong ipagtanggol ka ni Hanz."

"P-Pero baka masaktan din siya kapag gumanti si Lance."

"Hindi hahayaan ni Hanz na masuntok ng lalaking iyon kaya magtiwala lang tayo sa kanya." Tumango ako dahil hindi ko naman kayang patigilan sila kaya kailangan ko na lang magtiwala.

"Ang lakas mong sumuntok pero hindi pa rin ako kayang patulugin nito." Tumayo ito. Nakitang kong pinunasan niya ang dugo sa gilid ng labi nito.

"KULANG PA YAN SA GINAWA MO! Pumili ka na lang ng ibang babaeng babastusin mo at huwag ang kaibigan namin!" Balak pa sanang suntukin ni Hanz si Lance kaso ay nasangga nito at siya naman ang gumanti kay Hanz.

"HANZ!" Nasaktan siya pinipilit kong alisin ang pagkakahawak ni Kim sa akin para mapuntahan si Hanz.

"Huwag kang lumapit sa kanila at baka madamay ka pa." Hindi pa rin niya ako binibitawan. Sana ayos lang siya.

"Akala mo ba ay hahayaan ko pang masuntok mo ako sa pangalawang beses. Hinayaan lang kita kanina pero hindi na ako papayag na masuntok ulit." Napansin kong tumigil ang mga tao sa mga ginagawa nila malapit sa pwesto namin. Napansin na rin nila na may away kaya nasa amin na atensyon nila. Yung iba ay nakikiusyoso kung bakit nagkaroon ng away at ang iba naman ay nagvivideo.

Hindi pa rin tumitigil yung dalawa at nakita kong pumutok na ang labi ni Hanz at may dugo na rin sa gilid ng labi nito. Bakit walang nagtatangkang pigilan ang away nila! Bakit walang bouncer na malapit sa amin kung kailan na kailangan namin sila!

"Tumigil na kayo!" Kahit anong sigaw ko ay hindi pa rin sila tumitigil. Naiiyak na ako sa sitwasyon ni Hanz dahil nasasaktan na siya sa pagtatanggol sakin.

Sa wakas ay may nakita na akong bouncer at hinawakan si Lance para ilayo siya at nakita ko naman na hawak na rin ni Brix si Hanz.

"Huwag mong igagaya si Cassandra sa mga babaeng nababastos mo!" Kahit hawak ni Brix ay parang gusto pa rin lumapit ni Hanz kay Lance.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon