Chapter 26

214K 3.6K 36
                                    

Ilang araw rin na hindi ko matuloy ang kasunod ng chapter na to kasi wala talagang pumapasok sa utak ko. Pasensya na kayo kung natagalan. Lagi kasing nauudlot kapag nagsusulat ako kaya nakakalimutan ko na. May pinapagawa pa sakin kaya kailangan ko muna yun unahin. Sana huwag kayong magalit sa sobrang late ng update. Hindi ko na nacheck ito kaya pagpasensyahan niyo na kung may mga maling grammar o spelling.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***********

Nakatingin lang siya sa akin. Anong ba ang gusto niya? Pinsan niya si Clyde pero iniisipan niyang gawan ng masama. Hindi ko maintindihan kung ano ang rason niya.

"Ano ba ang gusto mong mangyari!?" Naiinis na ako. Hindi na kasi siya nakakatuwa.

"Gusto mo ba talagang malaman, Cassandra? Kapag sinabi ko sayo ngayon ang mga plano ko at sisimulan ko ng gawin. Handa ka ba sa mga gagawin ko." Ngumiti ito. Hindi na siya yung nakita kong Lance na palabiro kung kausapin ni Clyde at ngayon ang nakikita ko sa kanya na may binabalak siya.

"A-Ayokong malaman kung anuman yang plano mo!" Natatakot ako na totohanin niya ang sinasabi niya.

"Alam kong yan ang sasabihin mo. Ayaw mong sabihin ko dahil natatakot kang simulan ko na ngayon ang mga pinaplano ko sa inyo ni Clyde." Bumalik ulit siya sa pagbabasa.

"Bakit mo ba ito ginagawa, Lance?" Binababa nito ang binabasa niya at tumingin sakin.

"Simple lang. Gusto kong makitang bumagsak ang isang Clyde Villacorte. Maganda siguro makita yun. Matagal ko ng hinihintay na malaman kung ano ang kahinaan niya pero tao pala ang dapat kong hinahanap. Ngayon nakilala kita ay magagawa ko na ang mga plano ko."

"Kahit anong gawin mo ay hindi ko hahayaan na sirain mo kami. Ayoko man alamin kung ano ang mga pinaplano mo pero hindi ako magpapaapekto sayo."

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Nakita kong si Clyde kaya sinagot ko.

"Hello..."

"Baby,sorry na hindi na kita nabalikan dyan. Napahaba ang pag-uusap namin ng kausap ko at may kinuha rin ako sa kotse kaya pumunta na ako dito. Nandito ako sa parking lot. Dito na lang kita hihintayin."

"Aalis na ba tayo?"nakatingin lang sa akin si Lance habang nakikipag-usap ako.

"Yes. Magkita na lang tayo dito."

"Ok." Ibaba ko na sana ng magsalita ulit siya.

"I love you,baby" napangiti ako sa sinabi niya.

"I love you too,baby" binaba ko na at tumingin kay Lance.

"I have to go." Tumalikod na ako sa kanya at nang bubuksan ko na ang pinto ng magsalita ulit siya.

"Last night was not the first time I saw you. You were with your friends too but you left them to met someone, right?"

Humarap ulit ako sa kanya, "What are you talking about?"

"I knew the guy who you met with. Was it Renzell Salazar?" Si Ren ba yung sinasabi niya? Ano namang problema kung nakipagkita ako sa kanya.

"Paano na lang kung malaman ni Clyde na nakikipagkita ka sa ibang lalaki. Ano ang iisipin niya sa girlfriend niya? Paniguradong magagalit yun at maaaring mag-away kayo dahil kay Ren. Sino ba talaga sa kanilang dalawa ang gusto mo?"sabi nito. Balak niya bang isumbong ako? Isa ba ito sa mga plano niya para pabagsakin si Clyde.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon