Chapter 46

145K 2.8K 41
                                    

Bawi na ako sa matagal na hindi pag-update. Nagreply ako sa isa sa inyo kung kailan ulit ang update ko. Ang sabi ko monday pero naging saturday. Sinusulit ko ang load ko at gusto ko rin na maging masaya kayo. Shout your comments, readers! Tinapos ko ito ngayon para sa inyo. Sana suportahan niyo rin ang ibang stories ko.😘

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Sinundan namin si Ren kung saan siya nagpark ng sasakyan niya. Hindi naman kalayuan ito at natanaw ko na ang sinasabi niya. Nakita ko na minsan ang van na sinasabi niya ng minsan dinala niya ako sa restaurant.

"Sa passenger seat ka na lang, Cassandra."

"Bakit mo pauupuin ang girlfriend ko sa tabi mo, Ren?"

"Hindi ko alam kung saan ang pupuntahan natin. Si Cassandra ang nakakaalam kung saan ang bahay ng kaibigan niya."

Nagulat si Laurel ng hawakan ni Clyde ang braso niya at dinala sa harapan ni Ren.

"Alam niya rin kung saan ang lugar kaya sa akin tatabi si Sandra."

Binuksan nito ang pinto at pinauna na akong pumasok sa loob at sumunod siya. Nagsipasukan na rin ang mga kasama ko at ang dalawa ay nasa likod at kami ni Clyde ang nasa gitnang mga upuan.

Umalis na kami at itinuro ni Laurel kung saan ang bahay nila Kim. Sumandal ako sa balikat ni Clyde para maiwasan ang sinag ng araw na nagmumula sa bintana. Alas dos pa lang ng hapon at masakit sa balat kapag natatamaan ako.

"Nasisinagan ka ba, baby?"

"Oo, ang sakit kapag tumatama sa balat ko, baby."

Hinawakan nito ang beywang ko at binuhat ako papunta sa katabing upuan. Hindi naiwasan na napaupo ako sa lap niya sa ginawa niya.

"Eyes on the road, Ren."

Sinandal ko ulit ang ulo ko sa balikat niya habang tumitingin sa labas. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Mabuti na lang at si Laurel ang magtuturo ng daan. Hindi ko rin matutulungan si Ren dahil hindi ko kabisado ang daan.

"Cassandra, may load ka?"

Tumingin ako sa likod, "Wala na, Brix. Ano ba ang gagawin mo?"

"Tatawagan ko ulit si Kim. Baka sumagot na at malaman na pupunta tayo sa kanila."

Nilabas ni Clyde ang cellphone niya, "Use my phone."

"S-Salamat po sir Clyde."

Sumandal ulit ako sa kanya. Nasaan na ba kami? Tinutulungan ni Laurel si Ren sa mga daan at nagtataka ako, bakit iba na ang dinadaanan namin.

May kumalabit sa balikat ko. Umalis ako sa pagkakasandal at tumingin kay Brix. Napakamot ito sa ulo at ipinakita ang cellphone ni Clyde.

"Hindi ko mabuksan. May password, Cassandra!" mahinang sabi nito.

Kinuha ko at nilagay ang password at ibinalik sa kanya. Nilagay niya sa loudspeaker ito para marinig namin. Lowbat kaya ang cellphone ni Kim at kanina pa kaming tumatawag sa kanya.

Nakailang try pa si Brix pero wala pa rin at ibinalik na sa akin.  Binigay ko kay Clyde ang phone niya kaso hindi niya kinuha.

"Ikaw muna ang magtabi, baby."

"Baka tumawag ang mga kliyente mo o si Sarah."

"Tinawagan ko na si Sarah. I've cleared my schedule for this day to see you and guard you from Renzell."

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon