Chapter 61

161K 3.2K 321
                                    

Lagi na akong nagrereview kaya wala na akong time magsulat. Pasensya na talaga. Yung isang story ko last year pa ako nag-update kaya sana maintindihan niyo kung minsan hindi ko agad maituloy ito.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Pumasok ako at nakasakay na rin siya. Lalabas kami ng walang anumang plano na hinanda si Clyde. Hindi ko naman kailangan ng magarbong date na ginawa niya noon basta magkasama kami ngayon, masaya na ako.

"Baby, kumain na muna tayo ng lunch. Hindi ka pa kumakain ng breakfast at cake na agad ang kinain mo. Saan mo ba gusto?"

"Ikaw na ang bahala."

May nadaanan kaming restaurant. Naghanap kami ng space sa parking area. Ang dami na kasing kotse rin nakapark dito.

May nakita akong table na wala ng taong gumagamit kaya kinuha ko ang kamay niya para pumunta doon. May dumating na waiter sa table namin at binigay ang menu.

Binigay na namin ang order sa waiter. Nakatingin ako sa labas at pinapanood ang mga sasakyan na dumadaan ng kunin ni Clyde ang kamay ko at mahigpit niya ito hinawakan.

"Saan mo gustong pumunta ngayon, Sandra?"

"Hindi ko alam, baby. Sabi ko naman sayo na kahit saan mo ko dalhin ngayon, okay lang."

"Sa simbahan tayo pupunta at papakasalan ka, okay lang sayo, baby?"

"Clyde..."

"Sige, titigil na. Date muna tayo tapos iyon naman ang susunod kapag napapayag na kita, baby. Kailan ko ba malalaman kung papayag ka na?"

Hinawakan ko ang necklace na bigay niya na ang pendant ay ang engagement ring na gusto na niya makitang isuot ko. Gusto ko na rin pagbigyan ang gusto niya pero hindi ko pa nakakausap sila daddy at mommy. Hindi ko pa natatanong ang mga pinsan ko kung nasabi ba nila na may boyfriend ako, baka mabigla sila kung sasabihin ko agad na magpapakasal ako. Nang pinili kong magtrabaho dito sa pilipinas ay wala akong boyfriend tapos pag-uwi ko may ipapakilala na akong fiance ko. Baka magalit sila lalo na si daddy.

"Kapag sinuot ko itong binigay mo, Clyde. It means 'I will marry you'."

"I will wait for that time, Sandra. If you want a grand wedding, I will make it happen just to make my future wife happy in our special day."

Dumating na ang order namin. Pagkakita ko sa order ko. Napatakip ako ng bibig at gusto kong masuka. Hindi ko kayang titigan ito. Inilayo ko sa akin at tumayo para hanapin ang CR. Hindi ko na nasagot si Clyde ng tawagin ako. Pumasok ako sa isang cubicle at hinintay kung matutuloy ang pagsuka ko.

Kapag naiisip ko ang itsura ng order ko. Gustong lumabas ng kinain ko. Ang hirap nga lang, wala pa akong kinakain maliban sa cake kanina. Lumabas na ako at naghilamos. Ayoko ng bumalik sa table namin kung makikita ko iyon.

"Baby, are you okay?"

"What are you doing here? It's a lady's restroom. Lumabas ka dito, Clyde! Mapapagalitan ka ng mga papasok dito. Hindi pwedeng pumasok ang mga lalaki sa lugar na to."

"Wala akong pakialam, Cassandra. Mas mahalaga ka kaysa sa kanila. Nag-aalala ako sayo kung bakit bigla ka na lang umalis. May masakit ba sayo?"

"Masakit lang ang sikmura ko. Ayoko ng bumalik sa table natin, Clyde."

"Magpapalipat na lang ako ng table. Kailangan mong kumain para hindi na sumakit ang sikmura mo."

"Hindi naman yung table ang problema, yung pagkain na order ko. Nasusuka ako kapag nakikita ko iyon, baby. Ayokong umalis dito kapag makikita ko pa iyon sa table natin."

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon