Chapter 7

303K 7.2K 388
                                    

Hindi ako makatingin sa kanya at ramdam ko na namumula pa rin ang mga pisngi ko sa ginawa niya. Kung sa ibang babae ay nagsasaya na dahil isa sa mga kinababaliwan nilang bachelor ay gagawin ang isang indirect kiss. Hindi ako komportable sa mga ganitong bagay no boyfriend since birth nga ako kaya sa mga libro ko lang nalalaman ang mga ganitong bagay.

Tiningnan ko si Clyde na ganadong kumakain. Siguro nga wala namang malisya sa kanya yung kanina kaya hindi ko na lang rin gagawing big deal at malabo naman na sinadya niyang gawin at napakaassuming ko naman na isang Clyde Villacorte ay magkakainteres sa isang tulad ko.

Hindi na nga palaayos at simple lang kung manamit tapos maghahangad pa ng isang taong kagaya niya. Isang mayaman na katulad niya ay para lang sa mayayaman at ako naman na mahirap ay para lang rin sa mahihirap. Isa siyang langit at ako ang lupa kailanman ay hindi magtatagpo dahil may mananatiling puwang na naghihiwalay sa dalawa.

"Bakit hindi mo pa ipinagpatuloy ang pagkain mo? Hindi mo ba nagustuhan yung mga pagkain?"

"Naku hindi. Masarap silang lahat may iniisip lang ako kanina."

Nang matapos kami ay nagprisinta na akong magligpit at maghugas ng pinagkainan namin para naman makabayad man lang ako. Si Clyde naman ay nauna ng bumalik sa office niya dahil nagtext si Sarah na nagkaroon daw ng problema sa schedule ni Clyde.

Nagpunta na ako sa office niya para mabalikan ko na yung naudlot na ginagawa ko kanina. Pagkabukas pa lang ng pinto ay naririnig ko na ang boses niya.

"Sarah, did he tell you why he wants to have our meeting earlier than we agreed upon?"

Hindi pa ako nangangalahati sa mga ginagawa ko kaya kailangan kong bilisan para hindi ako magahol kapag kinailangan na ni Clyde yung ibang files niya.

"Sandra,we have to go."

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.

"Sa tagaytay. Go fix yourself. Gamitin mo na lang yung restroom sa kwarto ko" tumayo na ko para hanapin yung sinasabi niya. Ngayon ko lang na pagmasdan yung buong floor. Para lang siyang condominium yung style niya. May nakita akong dalawang pinto pero hindi ko alam kung ano ba dito yung kwarto ni Clyde. Binuksan ko yung isang pinto pero nakalock siya kaya sigurado na akong yung isa yun.

Pumasok na ako at humanga ako sa interior design ng kwarto niya. Yung theme nito ay black and white tapos may mga paintings rin nakasabit sa dingding.

Pumasok na ako sa restroom. Naghilamos muna ako bago mag-apply ng make-up. Powder lang at lipgloss yung ginamit ko. Nang lumabas ako ay nakita ko siyang nakasuot na ng long sleeves at slacks.

"Let's go" sumunod na ako sa kanya at sumakay na kami sa elevator para makarating na kami sa parking area ng building.

Habang naghihintay ay hindi ko maiwasang mapatingin sa reflection ni Clyde na makikita sa pinto ng elevator. Tama nga sila Kim at Laurel na ideal man siya. Mayaman, gwapo at kilala ng lahat dahil napasama siya sa 1st batch ng bachelor series ng isang magazine. Sikat itong magazine na nagfeature ng mga bachelor ng bansa.

Nakarating na kami sa parking area at sumakay na ng kotse niya. Lumapit siya sa akin at ilang inches na lang yung layo ng mukha ni Clyde sa akin ng maramdam ko na kinabit lang pala niya yung seatbelt ko.

"You should always remember to fasten your seatbelt" I nodded with him.

Mahaba rin ang naging biyahe namin at mabuti na lang hindi masyadong matraffic sa daan. Ilang oras na rin ang nakakalipas at para malibang ko yung sarili ko ay tinitingnan ko na lang yung labas na dinadaanan namin.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon