Chapter 48

132K 2.8K 108
                                    

Nabasa ko ang mga comment niyo at nainis kayo sa ugali ng daddy ni Clyde. Nainis rin ako sa kanya. 😤Pwedeng bang ishare niyo rin sa mga kaibigan niyo ang kwento nila Clyde at Cassandra? 😍

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

~¤💞¤~

Maaga pa lang ay nakatanggap na ako ng text message sa mga kasamahan ko na pinapatawag kaming lahat na nasa finance department ng head namin. Nagtaka ako kung bakit ang aga ng meeting namin sa karaniwang buwan na laging dinadaos ito.

Hinanap ko si Clyde kung nasa office siya pero hindi ko ito nakita. Saan kaya siya nagpunta? Lagi na lang itong umaalis ng maaga at hindi ko na naabutan kapag gumigising ako. Hindi na rin siya nagtatagal sa office niya.

Tiningnan ko ang oras at kailangan ko ng mag-ayos at baka malate pa ako sa meeting. Bumaba na ako at nagpunta sa office namin.

Nakita kong kumpleto na kami at hinihintay na lang ang oras para pumunta sa conference room.

"Para saan kaya ang meeting?"

"Nagtaka ako at wala man lang memo na binigay kung ano ang agenda ng meeting."

Bakit kinabahan ako sa meeting na ito? Parang may mangyayaring hindi maganda.

"Cassandra, wala bang nasasabi sayo si Sir? Baka siya ang nagpatawag nitong meeting natin."

"Wala naman siyang sinasabi sa akin."

Nagpunta na kami sa conference room at nandito na rin ang iba't-ibang team. Umupo kami sa bandang likod at ito na lang ang may bakanteng upuan.

"Are all of the teams in our department are here?"

Nagsimula na kami at tungkol lang sa mga deadlines ang mga sinabi niya. Nawala na ang kaba ko at hindi naman kami nahuhuli sa pagpapapasa kaya sigurado akong hindi kami ang sinasabihan na laging nahuhuli sa deadline.

"Before I'll end this meeting, Mr. Villacorte would like to visit every department including us. We better show that we are effective employees and we are efficient to our respective department for his company."

"Cass, pupunta ulit si Sir Clyde sa floor natin!" Kinililig na naman ito na makita si Clyde.

"Tumigil ka, Laurel! Baka may makarinig sayo at may isiping hindi maganda sa atin. Kahit kaibigan natin ang girlfriend ni Sir, huwag mo namang ipahalata."

May nagtanong kung kailangan bibisita si Clyde at hindi ko ineexpect ang sinabi ng head namin.

"Hindi si Sir Clyde ang sinasabi kong bibisita kundi ang ama niya, si Mr. Harry Villacorte. Kaya dapat maimpress siya sa atin kapag nagpunta siya sa bawat floor niyo."

Wala na akong naririnig at ang tanging naiisip ko ang muling pagkikita namin ng daddy ni Clyde.

~¤💞¤~

Nagluluto ako at nagbabasa naman si Clyde ng mga hawak niyang mga documents dito sa kusina. Ngayon ko na lang ulit siya nakita ngayong araw na ito.

"Saan ka nagpunta ng buong araw, baby?"

"Ang dami kong pinuntahan ng mga meetings ngayon. Hindi na kita nahintay na magising at kailangan ko agad umalis."

"Huwag mo na akong hintayin kung may mas importateng dapat kang gawin, Clyde. Nasa baba lang naman ang office namin."

Binaba nito ang binabasa niya at tinitigan ako, "Gagawin ko pa rin ang mga ginagawa natin kahit busy ako, baby. I can still do this things because you are the reason that makes this possible."

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon