Chapter 10

284K 7.1K 54
                                    

Ang sakit ng ulo ko na parang binibiyak ito. Dinaig ko pa ang uminom ng alak kagabi. Kasalanan ni Clyde ito, kung sana hindi niya sinabi yun bago siya umalis hindi ako mapupuyat at hindi tuliro ang utak ko kakaisip tungkol sa mga sinabi niya. Para itong player na paulit ulit na nagrereplay sa utak ko kaya lalo akong naiinis.

Flashback

Nasa tapat na kami ng apartment na inuupahan ko kaya lumabas na ako ng kotse niya para makauwi na siya at makapagpahinga na rin ako.

"Sandra..." Lumingon ako ng marinig ang pagtawag niya sa pangalan ko.

"Bakit?" Sabihin na sana niya agad yung kailangan niya para makauwi na siya. Malayo pa man din ang biyahe niya mula rito hanggang sa company na kung saan siya naninirahan.

"Yung mga sinabi ko sayo."

"Huwag kang mag-alala kakalimutan ko na yun." Nginitian ko siya para mapakitang totoo ang sinabi kong balewala na sa akin yung joke niya. Nakakatawa siya para kasing sobrang apektado siya. Bumenta naman yung joke niya bakit hindi siya mapakali?

"I don't want you to forget what I said yesterday because its true. I really like you and I want you to be mine" pinaandar na niyo ang makina ng kotse at tuluyan ng umalis.

Nanatili pa rin ako sa labas at tinatanaw ang kanyang kotseng papalayo. Nang hindi ko na ito matanaw ay pumasok na rin ako.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay humiga na ako sa kama. Hindi ko na kayang magbihis o malinis man lang. Pagod na ang katawan ko at pinapagod naman ni Clyde ang isipan ko. Itutulog ko na lang ito baka sakaling makalimutan ko lahat.

Flash nd

Nandito na ako sa loob ng building ng Villacorte. Sumakay na ako ng elevator papunta sa floor namin. Napatingin ako sa aking relo para tingnan kung anong oras na. Sobrang aga ko ngayon malamang iilan pa lang ang tao o hindi kaya baka ako pa ang nauna na pumasok sa floor namin.

Nagpunch muna ako ng time card ko at demeretso na sa table ko. Pagkaupo ko ay napatingin ulit ako sa relo ko at nakitang isa't kalahating oras pa bago mag-alas otso kaya napagdesisyunan kong umidlip muna para hindi ako antukin mamaya. Pinatong ko na ang dalawa kong braso sa mesa at iniyuko ko na ang ulo ko sa mga braso ko para makatulog na ako.

***************

Naramdaman kong may yumuyugyog sa akin kaya nagising na ako. Nakita kong nandito na pala sila Kim at Laurel. Si Kim ang gumigising sa akin kanina.

"Nandito napala kayo" tuluyan na akong nagising at umayos ng upo.

"Kakarating lang namin ni Laurel. Bakit dito ka natutulog?" Tanong ni Kim sa akin.

"Napaaga kasi ang pagpasok ko ngayon kaya umidlip muna ako dahil mahaba pa ang oras ng dumating ako."

"Anong oras ka ba pumasok at tingnan mo nga yang sarili mo. Halatang puyat ka." Napatingin ako kay Laurel. Ano ba ang itsura ko? Kailangan ko talagang dumaan sa restroom para matingnan ko ang mukha ko sa salamin.

Nakita kong dumating na rin sila Hanz at Brix. Halos magkasabay lang sila pero nakakapagtaka na maaga si Brix.

"Good morning guys. Bakit kayo nakakumpol diyan?" Lumapit sila sa amin na sabay silang napagawi sa akin.

"Wow... Cassandra saang costume party ka galing at nakalimutan mo yatang tanggalin ang make-up mo?" Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Brix. Anong costume party?

Nakita kong binatukan ni Kim si Brix,"Anong pinagsasabi mo diyan! Nakita mo na ngang walang tulog yung tao bibiruin mo pa!"

"Masakit ang batok mo Kim! Malay ko bang puyat lang si Cassandra. Tingnan mo kaya yung mata niya nangingitim akala mo tuloy may eyeliner at mamula mula pa yung mata niya." Ganon na ba kalala yung itsura ko?

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon