Chapter 47

144K 3K 71
                                    

OH MY GOSH! ang pinangarap kong mapunta ako sa malapit na slot ng what hot in romance category natupad. This story got #16. Thank you guys! Love you all.

My snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Sa ilang araw na nakalipas ay hindi maaalis sa isip ko ang family dinner na pupuntahan namin. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari kapag nakilala ko na ang magulang niya. Sabi naman ni Clyde, mabait ang mama niya at istrikto rin ang daddy niya katulad niya.

Kung pareho sila, parang ayoko ng sumama. Bukas na ito at hindi  ko alam kung ano ang gagawin ko. Baka hindi nila ako gusto para sa kanya.

"Huwag kasi puro negative ang iniisip mo. Think positive, Cass!"

"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natatakot ako kapag nakilala ko na yung parents niya."

Kasama ko sila Laurel at Kim. Nagpunta kami sa malapit na cafe para humingi ng advice sa kanila. Sila lang ang makakatulong sa akin ngayon. Baka matulungan nila akong makapag-isip. Hindi naman ako pwedeng magtanong kay Clyde at malaman pa niya na alangan ako sa pagsama sa kanya. Sumama pa ang loob.

"Hindi mo naman kasi masisisi si Cassandra. Ganyan rin ang iisipin ko kapag nasa katayuan niya ako. Kapag mayaman ang nakarelasyon mo, siguradong matapobre."

Umiinom ako ng inorder kong  latte habang nakikinig sa kanila. Hahayaan ko muna silang magsalita baka may makuha ako sa lahat ng sasabihin nila.

"Bakit ba sobrang lalim ng pinaghuhugutan mo?! Kailangan nating tulungan ang kaibigan natin at baka malukaret na siya kakaisip bukas!"

"Maging realistic ka kasi Laurel! Hindi tayo makakatulong kay Cassandra kung sasabihin natin sa kanya na magugustuhan siya ng parents ni Sir Clyde! Sa mga drama lang nangyayari yon kaya gumising ka nga dyan."

"Ikaw ang gumising dyan. Hindi sa lahat ng pagkakataon na ang mga sinasabi mo ay nagkakatotoo. Malay mo naman mabait sila at magustuhan ang kaibigan natin."

"Gusto mo ba talagang umasa si Cassandra sa sinasabi mo? Kailangan niyang malaman ang maaaring mangyari kapag napakilala na siya ni Sir."

Ano ba itong napasukan ko? Wala na akong makuhang magandang dapat gawin ko tapos nag-aaway pa sila. Lahat ng mga sinasabi ni Laurel ay puro positive kabaliktaran naman kay Kim. Naguguluhan na ako.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Mas ginugulo niyo ang isip ko sa mga sinasabi niyo. Wala ba kayong sasabihin na magkakasundo kayo sa isang bagay?"

Tumahimik sila. Salamat naman at napansin nilang hindi nila ako natutulungan sa pag-aaway nila.

"Ano ba ang sabi ni Sir Clyde sayo about his parents?"

"Mabait daw ang mommy niya tapos magkatulad naman sila ng daddy niya."

Nagkatinginan sila na parang may alam silang hindi ko alam. Iniwas ang tingin nila sa akin. Kinain ni Laurel ang cake niya at tumingin naman sa labas si Kim.

"Bakit hindi na kayo makatingin sa akin?"

"May magiging problema kasi tayo sa daddy ni Sir, Cassandra."

"Ano?"

"Ayaw niyang nakikipagrelasyon si Sir Clyde."

"Paano niyo nalaman?"

"Alam mo naman na maraming chismosa sa office. Kaya daw walang tumatagal na girlfriend ni Sir dahil tinatakot daw ng daddy niya. Hindi ko alam kung totoo iyon."

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon