Chapter 30

167K 3.4K 136
                                    

Napapansin ko na konti na lang ang nagkocomment kaya nalungkot ako pero sa mga nagcomment pa rin last chapter ay naappreciate ko yung mga sinabi niyo. Hindi niyo na ba nagugustuhan ang mga past chapters?

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***********

Nagtungo ako sa restroom para maghilamos ng mukha. Nahihilo ako nitong mga nakaraang araw at pakiramdam ko ay lalagnatin ako.

Pagkatapos iannounce ni Clyde na girlfriend niya ako ay wala pa naman akong naririnig na kahit anong issue sa amin.

Bago ako lumabas ay pumasok muna ako sa isa sa mga cubicle para umihi. Ang sakit ng ulo ko. Naka-aircon pa ang office namin kaya mas lalong nakakahilo.

Nakarinig akong may pumasok. Hindi ko na dapat sila papansinin kung  hindi lang nila nakuha ang atensyon ko.

"Ano kayang pumasok sa isip ni sir at pinatulan niya si Cassandra? Ang manang kaya nun!"

"Huwag kang maingay at baka may makarinig sayo! Hindi ba ang sabi ni sir na wala ng tsismis sa company niya. Masesesante ka kapag may nakarinig sayo!" 

"Sobrang takot mo naman. Wala namang makakaalam at tayo lang ang nandito! Maliban na lang kung may magsusumbong sa isa sa inyo."

Parang kilala ko yung boses ng kanina pang nagsasalita. Kaya pala wala akong naririnig dahil patago pala silang mag-usap.

"Marami ngang nagsasabi na ginayuma lang ni Cassandra si sir Clyde. Ang layo kaya ng itsura niya. Ang gwapo ni sir tapos nagkaroon ng girlfriend na manang! Kahit sino naman ay hindi maniniwala na nagkagusto si sir sa kanya."

Bakit sobra silang judgemental? Wala naman akong ginawa sa kanila pero kung husgahan nila ako ay ganun na lang! Hindi ba kapani-paniwala na pwede akong magustuhan ni Clyde kahit ganito lang ako.

"Alam niyo ba na may mga taga ibang department na gustong kausapin si Cassandra. Hindi ko alam kung para saan yun, ang alam ko lang ay may mga gusto rin yun kay sir."

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon