Chapter 44

139K 2.9K 95
                                    

Salamat sa nagmessage sa akin para sayo ang chapter na ito. 😙

mariz_jp

I love your message. Kung pwede isa pa ulit. Hahaha. Sana yung iba rin magmessage katulad mo.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

~¤💞¤~

Tumingin ako sa kasama ko. Hindi ko siya kilala at paano niya nalaman na boyfriend ko ang kasama ko kanina?

"Sino ka ba?"

"Hindi mo na ako matandaan. Sabagay matagal na rin ng kausapin kita, Cassandra?"

Tinanggal niya ang suot na cap. Umupo ako malayo sa kanya ng makilala ko na kung sino siya. Wala akong balak na kausapin siya. Akala ko ay hindi na siya manggugulo pero nagkamali ako. Nandito na naman siya at sigurado akong magbabanta na naman siya sa amin ni Clyde.

"Bakit ang layo mo naman sa akin? Hindi naman ako nangangagat kaya lumapit ka naman parang hindi tayo magkakilala."

Umurong pa ako at halos isiksik ko na ang sarili ko sa dulo. Tumingin ako sa labas para aliwin ang sarili kaysa makinig sa kanya.

"Galit ka pa rin ba sa sinabi ko noon?"

Lumapit ito at naupo sa tapat ko. Katulad ng suot ni Clyde ang suot niya kaya hindi na ako magtataka kung napagkamalan siya kanina ng kausap ko na boyfriend ko.

"Bakit ka ba nandito?"

"Naglilibang lang. Nakakabored kasi sa bar kapag ganitong oras. Mamaya pa ng gabi ang dating ng mga tao dun."

"Hindi mo sinasadyang pumunta rin dito? Baka naman nalaman mo na pupunta kami kaya nandito ka?"

"Gusto mo bang palabasin na sinusundan ko kayo ni Clyde?"

"Hindi ba?!"

Tumawa ito ng malakas na kinairita ko. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi pa ito tumitigil.

"Tama lang na nagpunta ako dito. Hindi man ako nag-enjoy sa mga rides pero ikaw naman ang nagpatawa sakin ngayon."

"Tumigil ka nga! Wala naman nakakatawa!"

Kung hindi lang siya ang taong laging nambabanta sa akin. Okay lang ang sitwasyon namin ngayon, hindi ako naiilang at naiinis sa kanya.

Pababa na ang sinasakyan namin at malapit na akong makalayo sa kanya. Hindi ko na matagalan na kasama siya.

"Salamat naman at makakababa na ako."

"Nag-enjoy akong kasama ka ngayon, Cassandra."

Hindi ko siya pinansin at hinihintay ang pagbaba namin.

"May nakalimutan pala akong sabihin."

Nilingon ko siya, "Ano naman iyon, Lancen?"

"You will see another side of your boyfriend. Don't tell him that you saw me, Cassandra."

Bumakas na ang pinto at inalalayan ako ng lalaking staff dito. Napansin ko na may nagkakagulo at nang tingnan ko si Lancen ay wala na ito.

"Excuse me, ano ang nanayayari dun?"

"May lalaki po kasing nagrereklamo, ma'am. Kawawa nga po yung kasamahan namin at baka matanggal sa trabaho."

Nasaan na ba si Clyde. Dapat nakabalik na siya o baka naman iniwan niya ako at sumama sa mga babaeng kanina.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon