Chapter 35

158K 2.9K 43
                                    

Nawala na sa isip ko na kailangan ko pa lang mag-update sa mga stories ko. Kung hindi ko pa nabasa ang mga message niyo malamang na mas tatagal ang update nito. Salamat sa mga nagmessage at sorry rin. Comment na rin kayo. :)

My other stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

*~♡~*

Kanina pa ako nananahimik pero ayaw pa rin sabihin ng katabi ko kung saan kami pupunta. Tinakot ko na siya na hindi ko siya papansinin pero hindi pa rin ito umepekto sa kanya.

Basta na lang niya sinabi kagabi na may pupuntahan kami at wala man lang sinabi kung bakit kami aalis. Magdala daw ako ng damit at baka magtagal kami sa pupuntahan namin.

"Don't make that face." Bahala siya. Alam kong alam niyang naiinis ako.

"Don't be mad at me, baby. I want to surprise you by keeping it a secret.''

Napabuntong-hininga na lang ako at nagdesisyon na pansinin na siya. Hindi ko rin naman siya matitiis na hindi pansinin kapag naglalambing na siya.

"I'm sorry, baby if I'm acting like a child when you did not tell me. I want to fill my curiousity and I thought if I would not talk to you, you would tell me." Nakaramdam ako ng hiya sa ginawa ko. Ngayon ko palang nagawa ito.

"I thought our endearment was not suitable for both us but now I was wrong, you know why?" Siya naman ang nagsimula ng tawagan namin noon tapos ito pala ang iniisip niya.

"No."

I saw him smirked and he return his vision on the road, "I will tell it to you, later."

I bit my lower lip because of frustration. He left me hanging for his answer again.

Habang tumatagal ang biyahe namin ay nalilibang ako sa mga tanawin na nadadaanan namin. May natatanaw akong bundok at puro puno na ang halos madaanan namin kaya malilim sa daan. Ang sarap ng simoy ng hangin.  Mahangin sa lugar.

Pakiramdam ko ay parang familiar ang dinadaanan namin. Parang nakarating na ako dito pero hindi ko lang matandaan kung kailan.

May natanaw akong malaking gate at alam ko na kung saan ito. Dito kami pumunta ni Clyde ng hanapin namin si Alex.

Nakapasok na ang sasakyan namin at dumeretso na kami sa loob. Katulad pa rin ito ng makapunta ako dito.

Hininto ni Clyde ang sasakyan sa harap ng hotel. Kinuha na namin ang gamit namin sa likod ng sasakyan. Hindi na ako hinayaan na magbuhat at siya na nagbitbit ng gamit namin. May lumapit na lalaki kay Clyde at binigay ang susi ng kotse.

Pagkapasok namin ay napansin ko na maraming tao ngayon. Pinaupo muna ako ni Clyde at siya na daw ang bahala sa room namin.

Pinagmamasdan ko ang mga tao. Halos lahat naman ay puro babae ang nakikita ko at mga nakadress sila. Napatingin ako sa suot ko na nakapalda at blouse.

Kailangan ko bang gayahin sila. Dapat ba ay nakadress ang lahat ng babae dito. Lumapit na si Clyde sa akin na may hawak ng card.

"Pumunta na tayo sa room natin."

Naghihintay kami sa pagbubukas ng elevator pero hindi nakaligtas sa akin ang pagtitig ng mga babae na kapwa naghihintay rin ng elevator sa tabi namin. Tinititigan nila ang nakatalikod na si Clyde. Hindi ba nila napansin na kasama ko ang lalaking tinititigan nila.

"Cassandra..." Napatingin ako sa tumawag sa akin at nagulat ng makita ko kung sino.

"Anong ginagawa mo dito?!" Tumakbo ito at niyakap ako.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon