Chapter 21

220K 4.5K 232
                                    

Another treat sa inyo. Gusto ko ang pagiging possessive ni Clyde. Kayo rin ba? Gusto ko sa lalaking ako lang ang babae sa buhay nila kaya gustong-gusto ko ang character ni Clyde. Huwag niyo awayin si Clyde kung minsan napapaiyak niya si Sandra. Bumabawi naman siya sa pagpapakilig kay Sandra. Check other my stories:

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

***********

Tiningnan ko ang mga groceries kong nagkalat sa daan dahil sa nabitawan ko ang plastic dahil sa biglang paghatak ng lalaking ito sa braso ko.

Ano na naman ba ang problema ng lalaking ito kung makahatak akala mo tatakbuhan ko?

"Sumagot ka, Sandra!" Tiningnan ko siya. Paiiralin na naman niya ang selos at hindi na naman ako hahayaang magpaliwanag.

"Bakit ayaw mong magsalita! Mas gusto mo na ba siyang kasama? Kaya umalis ka agad sa office niyo para makipagkita sa kanya!" Kung anu-ano na naman ang pumapasok sa utak niya. Kung hinahayaan niya sana akong magsalita eh di tapos na ang usapang ito. Ang sakit na ng ulo ko at dinadagdag niya pa.

"Pwede ba,Clyde! Manahimik ka muna kahit sandali. Hindi ako makapagsalita dahil hindi mo ako hinahayaan na magsalita. PINAPAIRAL MO NA NAMAN ANG PAGIGING SELOSO MO!" Natahimik ito at nagulat sa pagsigaw ko sa kanya. Mabuti naman at talagang naiinis na ako sa kanya ngayon.

"Hindi ako nakipagkita kay Ren. Nagkataon lang na nandoon rin siya sa supermarket na pinuntahan ko! Mabuti na nga lang at napadaan siya at tinulungan niya ako. Malinaw na ba? Kung wala ka ng gustong sabihin ay makakaalis ka na" tinalikuran ko siya at nagsimula ng maglakad papuntang apartment ko. Naiinis ako sa kanya! Hindi ko muna siya papasinin para magtanda.

"Sandra!" Narinig ko tawag niya sa akin pero hindi ko siya nilingunan.

"Galit ka ba sa akin?" Hindi naman ako galit pero hindi ko na siya sinagot at pumasok na sa apartment ko. Bahala siya sa labas. Nagpalit na ako ng oversize na t-shirt at maikling short. Ganito kasi ang mga pambahay ko. Hindi naman ako lumalabas kaya ok lang ang ayos ko.

Nakalimutan kong pulutin ang mga pinamili ko sa labas. Siguro naman wala na si Clyde sa labas. Pagbukas ko ng pinto at siya ang nabungaran ko.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Tinaas niya yung plastic na buhat niya. Mabuti naman at pinulot niya. Siya naman ang may kasalanan kaya dapat marunong siyang magpulot.

Pumasok siya at sinarado ko ang pinto, "Saan ko ito ilalagay?" Naghihintay siya ng sagot kaya wala akong nagawa kundi sagutin siya.

"Ilagay mo na lang sa lamesa at makakaalis ka na" wala akong balak na kausapin siya para malaman niyang hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Umupo ako sa sofa at manonood na lang ako ng TV.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko. Kinuha niya ang kamay ko. Hinayaan ko siya pero hindi ko pa rin siya pinapansin.

"Baby, please talk to me." Bahala siya dyan.

Naramdaman kong hinalikan niya ang kamay ko at unti-unti itong tumataas hanggang sa mapunta ito sa balikat ko. Nang hahalikan na niya ang pisngi ko ay tumayo ako at umupo sa dulo ng sofa.

"Baby, stop this cold treatment towards me. I was jealous a while ago. Please forgive me." Huwag kang bibigay, Cassandra! Dapat magtanda siya.

"Baby, Sige na naman. Patawarin mo na ako. Hindi na agad ako magseselos kapag kasama mo si Ren kaya huwag ka ng magalit. Baby ko..." Tiningnan ko siya at nakitang nakatitig rin siya.

"Hindi mo na uulitin ang ginawa mo ngayon, Clyde? Hindi ka na ulit magseselos kapag kasama ko ang mga kaibigan ko?" Umiwas ito ng tingin. Sinasabi ko na nga ba! Hindi pa rin siya titigil sa pagiging seloso niya. Sinabi niya lang iyon para tumingin ako sa kanya.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon