Chapter 40

161K 3.2K 77
                                    

Another update. Sa bago kong followers, salamat sa pagfollow. Comment please.

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

Do vote, comment and follow me.

~💞~

Nakatakip na ang dalawang kong kamay sa magkabilang tenga ko pero ayaw pa rin tumigil ni Kim. Para siyang sirang plaka na paulit-ulit kung hindi ko lang siya kaibigan, matagal ko na siyang sinita. Hindi pa rin siya makaget over sa party at kinuwento pa sa mga kaibigan namin.

"Ang galing niya! Grabe! Taob yung maputing payatot na yun." Sabi nito. Kanina pa iyan ganyan. Kung anu-ano na ang tinatawag niya kay Thalia.

"Sana nandoon din ako para nakita ko si Cassandra. Bakit ba naman wala akong kilalang member para nakasama rin ako." Pagmamaktol ni Laurel.

"Hindi rin maganda na may kakilala ka. Katulad na lang ng sa akin. May sira sa ulo ang kumidnap sa akin na member ng club na iyon. Magsisisi ka, Laurel!"

"Ikaw lang naman ang nagsasabi na may sira si sir Alex. Ang gwapo kaya niya kaya swerte ka, may isang katulad niya ang nababaliw sayo. Ganyan pala epekto mo sa kanya." Binato ng lukot na papel ni Kim si Laurel dahil sa sinabi nito.

Salamat naman at nakalimutan na ni Kim ang party. Ilang araw na rin ang lumipas. Pagkatapos kong sabihan si Thalia ay umalis rin ito. Hindi matanggap na ako ang nanalo o nasaktan sa sinabi ko. Wala naman akong pakialam kung ano ang naramdaman niya dahil ganon rin naman ang ginawa niya. Pinapunta naman ako sa stage at naghihintay si Mr. Gleidon. Nakangiti ito habang papalapit ako at hinalikan ang kamay ko.

"You are the star of this evening and because I promised that whoever wins this unexpected competition, I shall grant anything she wants so Ms. Cassandra, what is your wish?"

Hindi ko naisip ang bagay na iyon. Nakalimutan ko na may ganito palang reward sa mananalo. Gusto ko lang naman matalo si Thalia at pigilan siya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

"What about us?! We also performed, Gleidon! We have the right for the reward too."

Narinig kong sigaw ng isa sa kambal. Hindi ko lang alam kung si Callen o Cellon. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanila. They helped to win this competition. Without them, I was not able get Clyde from her.

"The reward was referring to the winner who was chosen to participate with it. You were a great help with her but the reward is for her only."
Naawa ako sa dalawa. Wala silang nakuha sa pagtulong nila.

"Can I postpone that reward? I don't know what I want and I do want to keep it in case there might be circumstance that you could help me." I smiled and he did too.

"Very well said. This is my calling card and if you want to claim it just call me"

Kinuha ko ang binibigay niyang calling card at bumaba na sa stage. Kung ang iba siguro ay gagamitin ang chance na iyon pero iniisip ko na wala pa akong paggagamitan at masasayang lang kung wala naman katuturan ang ihihiling ko.

"Cassandra!" Napalingon ako sa pagtawag sa akin ni Laurel.

"Ano?"

"Napagkasunduan na magcelebrate tayo sa pagkapanalo mo! Game kahit saan tayo, gusto mo ba?"

"Okay lang pero wala akong alam kung saan ang magandang lugar para magcelebrate."

Nag-usap sila. Wala naman akong maitutulong dahil hindi naman ako madalas lumabas kaya limitado lang ang alam kong lugar.

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon