Chapter 55

160K 3.2K 172
                                    

Salamat sa mga nagmessage sa akin at sa mga comment niyo na nagpatawa at nagpakilig dahil sa suporta niyo. Sa mga naghihintay sa mga update, kinakabahan talaga ako kapag matagal na. Iniisip ko na lang na babawi ako every chapter. Comment pa ulit guys. Sa unang nagcomment at nagpadedicate sa akin para sayo ang chapter na to.

navarroismylife

My Snobbish Heart - Teen Fiction

The Black Archer - Fantasy

~¤💞¤~

Binuksan niya ang pinto ng kwartong sinasabi niya. Iba ang design nito at mas malaki kaysa sa ibang room. Nakita ko ang mga gamit ko na nasa sofa. Planado na niya ang mangyayari ngayon.

"Paano napunta ang gamit ko dito?"

"Pinakuha ko sa kaibigan mo. Ngayong nandito na ako, hindi ka na makikishare ng room sa kanila, sa akin lang."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ilang minuto pa lang siyang nandito, naayos na niya ang lahat. Hindi na siya nagtanong kung papayag ako. Siguradong alam na nila na dumating na si Clyde. Baka sila pa ang unang nakaalam.

"Are you hungry, baby?" hindi pa pala ako kumakain dahil sa pamamasyal namin.

I nodded and he left me to make a call. I saw his things beside mine. It was not organized properly. Nakita ko ang lalaylayan ng white shirt niya na naipit sa maleta niya.

Kinuha ko ito at binuksan. Ang gulo ng gamit niya. Nilabas ko ang mga damit niya at tiniklop ng maayos. Nagusot na ang iba. Inayos ko ito ng umalis siya. Hindi talaga marunong mag-ayos ng sariling gamit.

"Hayaan mo na lang yan. Hindi dapat ang mga gamit ko ang pinagtutuunan mo ng pansin, Sandra."

"Ang gulo kaya! Dapat maayos ito para hindi ka mahirapang kumuha ng isusuot."

Nagulat ako ng bigla niyang sinarado ang maleta niya. Mabuti na lang at hindi pa ako naglalagay ng damit baka naipit niya ko.

"Umalis ka muna dito, Clyde. Bakit ba nanggugulo ka sa ginagawa ko?" nilagay ko muna sa tabi ko ang mga natiklop. Ayaw niya kasing tanggalin ang kamay niya sa pagkakadagan sa maleta.

Hinatak niya ang hawak ko at hinagis sa kung saan, "Bakit mo ginawa yon? Baka madumiha-"

Napasigaw ako ng hatakin niya ang kamay ko at matutumba papunta sa kanya.  Nahawakan niya ang beywang ko kaya hindi ako tuluyang natumba sa kanya.

"Ang hirap namang magpapansin sayo. Inuna mo pa ang mga damit ko kaysa sa akin. Sa akin ka lang dapat nakafocus, Sandra. Ako lang at wala ng iba, maliwanag ba?."

Pinulupot ko ang mga bisig ko sa leeg niya at ngumiti. Dapat pagbigyan ko ang gusto niya. Ito rin naman ang gusto kong gawin. Ang ipadama kung gaano ko siya namiss.

Unti-unti siyang lumalapit sa akin. Nakatingin lang siya sa mga mata ko at nang mapunta sa labi ko ay kinagat ko ito at napakunot ang noo nito.

"Stop biting your lips, baby. Ako dapat ang gagawa niyan kaya huwag mo akong pangunahan, Sandra."

Natawa ako sa sinabi niya, "Huwag kang tumawa. Totoo ang sinabi ko! Ako ang kakagat dyan sa labi mo. Ilang araw ko rin na hindi iyon nagawa kaya sasamantalahin ko na."

Ilang pulgada na lang kaya sinunod ko na ang sinabi niya. Ngumisi pa ito sa ginawa ko ng may kumatok sa pinto.

"Damn! Who is this time?!"

Binitawan niya ako at pumunta sa pinto para buksan. Sumunod rin ako para alamin kung sino ito. Ang delivery man ang nabungaran niya.

"Sir, ito na po yung order niyo."

My So Strict Boss (Bachelor Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon