Chapter 5: Result

5.5K 189 9
                                    





~*~



(Cashmere's POV)


"Hay sa wakas natapos na!" Buntong hiningang sabi ni Andrew.

"Asus! Utot mo square. Naginhawaan ka na nyan, seryoso? Baka nga di ka pasado eh! Haha." Asar ni Jane kay Andrew na kasalukuyang nagpapatunog ng mga buto nito sa kamay, bangayan na naman itetch for sure. Umagang umaga naman oh.

"Pasado ako ah! Ikaw lang hinde. Haha. Sa talino kong to!" Nakangising sagot naman ni Andrew.

Nagpapasalit salit lamang ang tingin ko sa dalawa hanggang maumay ako.

Argh! Ayoko na dito!

Pinaghiwalay ko na lamang ang mga ulo nila sa isa't isa.

"Tatahimik kayo o hindi?" Singit ko sa kanila sa seryosong boses. Naiinis na ako sa araw araw nilang bangayan, mga unyeta nila.

"Oo nga pala, Cash, di ka ba nababahala baka bumagsak ka?" Pagbaling nila ng tingin sa akin. Aba aba, nililipat sa akin ang atensyon ah. Tss, pero nga naman may point nga naman si Jane.

"Saka pag bumagsak ka sa exam, matatanggal ka bilang Valedictorian." Singit naman ni Andrew habang nakapangalumbaba na.

"At pag natanggal ka bilang Valedictorian, mawawala ang pagiging scholar mo!" Dugtong pa ni Jane with her eyes widen.

"At ang pinakamasaklap syempre pag di ka na scholar, wala ka nang pag asa na makatungtong sa Grade 11 Cash!" Hiyaw ni Andrew, habang bumibilog pa ang mga mata kesa kay Jane.

Sila na nananakot. Ako na ang takot. Shems! Feeling ko nanginginig mga tuhod ko sa kaba. Pano nga kung mangyari yun? Okay lang para sa iba dahil lahat sila dito mayayaman eh ako? Waaaaah! Di na nga biniyayaan ng ganda, hindi pa rin mabibibiyayaan ng diploma?

"Pero imposibleng mangyari yun Jane eh!" Nakangusong banggit ni Andrew. "Basic lang yung exam para kay Cash, sya pa nga unang natapos diba? Saka di yan ibabagsak non, tsk. Sya ang valedictorian noon pa." Pangcocomfort na sabi ni Andrew bago ako ngitian.

"Nga naman. Ahh basta! Kahit anong resulta, dito lang ako sa tabi mo Cash, pwamissss!" Ngiting ngiting sabi ni Jane sabay cling sa braso ko.

"Oo na. Oh ano, tara na sa room? Siguradong darating na si Ma'am dala yung result ng mga inexam natin." Nakataas kilay na sagot na lamang ni Andrew.

Oo nga Cashmere, matalino ka. Simple lang yung exam na yun. Di nga dumugo ilong mo eh. Pasado ka. Sobrang self esteem na ba to?

"Game. Tara!" Yaya ko na rin sa kanila habang nakiligaya sa mga matatamis nilang mga ngiti. Be positive.





**




Pagdating pa lang ng room sinalubong na ako ni Yvonne habang sya'y nakangiti ng matamis.

"Cash, may tiwala ako na ikaw pa rin ang Valedictorian." Pagpapalakas loob ni Yvonne sa akin.

"Hehe. Di ako umaasa." Nag-aalangan kong sagot sa kanya. Pero deep in side, umaasa ako. Kampante lang.

"ANDYAN NA SI MA'AM!" Sigaw ng isa kong classmate na lalaki bago patakbong umupo sa kanyang upuan. Ang with that, naging peaceful na naman ang classroom.

"Goodmorning." Pagbati ni ma'am terror na ang lawak ng ngisi sa labi.

Creepy.

"Good morning Ma'am." Sagot naman namin pabalik sa kanya.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon