Chapter 68: Nightmare

2.2K 77 2
                                    








~*~










(Cashmere's POV)







Pawisan at umiiyak akong napaupo sa aking kinahihigaan. Habol ko ang aking hininga sa napaginipan......


"I-Isang bangungot lang pala."



Lihim akong nagpasalamat at hindi iyon totoo. Ayokong maging totoo iyon. Siguro'y dala lamang ito ng aking malalim na pag-iisip tungkol sa aking kaibigan.


Marahan kong ipinilig ang aking ulo. Tama na ang pagtatago ng nararamdaman mo Cash. Alam mo at alam mo na ikaw ang may malaking kasalanan sa lahat. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkagulo ang mga mahal mo sa buhay.


"Nightmare?"



Napalingon ako sa nagsalita at halos mapasigaw na ako sa gulat nang mamukhaan ko kung sino ito.

"I-Ice."



Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang mapansin nya akong umiiyak. Agad syang lumapit sa akin at umupo sa aking tabi bago punasan ang aking mga luha.


"Anong napanaginipan mo?" Nag-aalala nyang tanong sa akin.


Napahinga ako ng maluwag.....hindi sya nagtransform into Andrew. Napapraning na talaga ako. Ang panaginip ay panaginip at walang kasiguraduhan kung totoo iyon. Yah yah.


"S-Si ama..." Kinagat ko ang dila ko para matuwid ito sa pagsisinungaling. "Pinapahirapan daw sya sa isang silid na ubod ng dilim."

Hindi ko alam kung bakit ako nagsisinungaling ngayon kay Ice, pero susundin ko na muna siguro ang sinasabi ng aking isip.


Ngumiti naman sya sa akin, isang ngiti na malungkot. "Wag kang mag-alala, malakas ang iyong ama."


"A-Ano nga palang nangyari sa akin? Bat nakahiga na naman ako dito?" Pag-iiba ko ng topic.


Hindi talaga ako mapalagay sa kasinungalingan lalo na pa't pagnagtagal. Pilit ko munang iwinaksi iyon sa aking isipan. 'Wag na muna sa ngayon.'


"Nahimatay ka uli kanina pagkalabas na pagkalabas mo pa lang sa pintuan. Kotang kota ka na sa clinic na to alam mo ba yun?" Natatawa nyang saad.


Ngumiti na lamang din ako. Oo nga, kotang kota na ako.


"Eh nasaan na nga pala sila?"



May itinuro naman sya na bahagi nang silid......sa lapag.


Napangiti ako ng malaki nang makita ko silang nakahiga sa lapag at magkakatabi. Si Carlos, Carl, Jayden, Dennis, Andrei, Vanessa, Michelle, at Mariel.


Napailing iling naman ako bago magsalita. "They're cute."


"Yeah." Pagsang-ayon nya.



Teka teka, para atang kulang sila?


"Bumisita na sila kanina dito kayalang nahimatay ka uli, hindi ka na nila naabutang gising kaya umalis na muna sila....I mean ninakaw muna ni Ferresa si Patrick paalis. Si Cap naman pinatawag saglit nang headmaster, pabalik na rin yun maya-maya." Sabi ni Ice na animo'y nabasa ang aking isipan.


I wonder kung nahalata nya kayang nagsisinungaling ako kanina. Ugh! Wag naman sana. I have a bad feeling about that nightmare.


"Hindi ako mind reader."



Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon