Chapter 67: Andrew

2.3K 82 3
                                    


Say hi to "Joseph Andrew Sobrepeña" he's hot
~credit to the owner (Taylor Launer)



~*~




(Cashmere's POV)



Naalimpungatan ako dahil sa mga boses na nasa aking paligid. Unti-unti kong idinilat ang aking mga mata at hindi na nagulat nang makita ko sila na kanya kanyang lumalamon sa loob ng silid.

Pinagmasdan ko sila ng palihim, hindi pinapahalatang nagising na ako. Ang mga sakitan, asaran, agawan ng pagkain, bangayan, at ang mga tawa nila na parang wala nang bukas ay syang nagbibigay sa akin ng gaan sa pakiramdam.

Napapikit ako bigla at nagkunwariang tulog nang mapalingon sa direksyon ko si Rence.

Jusko wag naman sana nyang nakita iyon. Para akong tangang ngingiti ngiti eh.

Nagbilang ako ng sampu bago ako dumilat. Agad akong napaatras at muntik muntikan pang mahulog sa aking kinahihigaan nang bumungad sa akin pagdilat ang perpektong mukha ni Rence na nakangisi sa akin.

"Pretending to be asleep little princess huh?"

Namula ang mukha ko hindi dahil sa sinabi nya kung hindi dahil sa lapit ng mukha nya sa akin. Walang alinlangang itinulak ko sya ng malakas sa abot ng aking makakaya.

Wala mang epekto ay lumayo pa rin sya habang hindi pa rin mabura bura ang ngisi nya sa kanyang labi.

"Anong nginingisi ngisi mo dyan?!"

"Ang cute mo."

Hindi ko maiwasang mamula pa sa sinabi nya. Lintek na!

"Shut up!" Singhal ko sa kanya.

Lumapit naman sya sa akin at ako naman ay patuloy na umatras hanggang sa ma-corner nya ako sa headboard ng kama.

Napalunok na lamang ako ng tawirin nya ang unting pagitan sa aming mga mukha.

Shet na malagket!

Napapikit na lamang ako at hinintay ang pagdampi ng kung ano man----hey! W-Walang dadampi! Oo wala!

"Ang cute mo magblush Dark Princess." Bulong nya sa aking kaliwang tenga na nagbigay ng dahilan upang tumayo lahat ng balahibo ko sa likuran.

Holeh fak!

"Tapos na ba?"

Saka lamang ako natauhan at parang nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang salita na iyon.

Wala na akong inaksayang panahon at nagtalukbong na ako ng kumot habang si Rence naman ay umalis na sa aking ibabaw. Iexplain nyo sa akin ang nangyari kanina!

May gowd! Anong nangyari?!

"Grabe kayo maglampungan ah. Kumakain pa naman ako." Rinig kong sabi ni Andrei na ikinawala ng mga ugat ko sa katawan.

L-Lampungan?!

"Lumalamon ka hindi kumakain." Pagtataray ni Mariel.

"Pareho lang yun!"

"Sssshh. Quiet guys! Nahiya na tuloy ang prinsesa oh. Natulog ulit." Pagpapatahimik ni Vanessa.

F*ck!

"Edi wag nyo na munang kausapin yan. Dun tayo sa pumaibabaw." Impit na tiling sabi ni Michelle.

PUMAIBABAW!

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon