Chapter 10: Pink Market

4.9K 163 5
                                    











~*~








(Cashmere's POV)










Nakakabaliw mang isipin pero parang may nagtutulak sa akin na maniwala sa sinasabi ng gwapo na to.


Pamilyar sa akin ang mga nilalang na nakikita ko. Namamangha lang ako pero parang hindi ako natatakot.


Ano bang nangyayari? Saka una, ano ba yung lumabas sa kamay ko na yelong itim? Yung lutang lutang na ginawa ni Tamix? Yung paghalukay sa kalooblooban ko dahilan para mahimatay ako? Yung paghangin at paglipat ng lugar namin ni Mat? Yung mga bagay na nakikita ko ngayon na kakaiba? Panaginip ba ito? Gowd! Naguguluhan na ang utak ko! Kung meron man.

"Libre po ang pagkain, pero ang pera ninyo para makabili ng mga bagay-bagay na gugustuhin nyo ay nakabatay sa inyong marka sa Akademya na inyong papasukan." Paliwanag ni Mat.


"Mat, nananaginip lang ako. Tama?"

"Miss Cashmere. Totoo po ang lahat ng ito. Pasensya na kung hindi namin naipaliwanag sa iyo lahat-lahat, kami rin kasi ay nagulat. Noong panahon na pinabura ni Mister Jayden ang inyong alaala tungkol roon sa kanyang ginawa, napansin namin na hindi namin iyon magawa-gawa sa iyo."

"Pinabura? It means---."

"Tama. Yun nga po ang aming ginawa. Pero blinock lang po ito ng inyong kakayahan. Ngayon lang po kami nakakita ng ganyan. Patawarin nyo po kami kung hindi namin naipaliwanag ng mabuti sa inyo miss Cashmere, at bigla ka rin po naming dinala rito. Sa ngayon po sana muli ay sumama kayo sa akin." Napansin ko namang kanina pa pala yung kamay nya roon. Tsk.

"Paano ako sasama sayo kung lahat ng nangyare ay ayaw pumasok sa utak ko?"

"Magtiwala ka sa akin. Balang araw, maiintindihan mo rin."

"Aish! Bahala na nga!" Kinuha ko yung kamay nya. Saka nya ako ginaya papunta kay Lexus? Lexis? Basta yun dun sa kabayong may pakpak.


Pinasakay nya ako dun kay aish. Basta yun nga diba. Dun sa kabayo.


First time ko to pero parang di man lang ako kinakabahan. Weird. Tapos feeling ko, protected ako, mas weird.

"Kapit."


"Yup, oo naman no." Anya ko.

"Ready?" Tanong nyang muli nang sya'y makaayos.


"Lagi---aaaah!"

Di pa ako nakakasagot, lumipad na itong lintek na to! Wah! Jusko!


Yung puso ko! PUSO KO!

"Miss Cashmere. Open your eyes and enjoy the view, please?"

Nakapikit na pala ako. Limphak kase tong kabayo na to. Kakatayin ko to eh!

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon