Chapter 28: Tito Clive

3.8K 150 0
                                    











~*~















(Cashmere's POV)













"Nakita nyo na siguro ang bangkay kanina hindi ba?" Pag-uumpisa ng topic ni Rence na ikinatigil nilang lahat sa pag-aaway.

"Paanong hindi namin makikita. Ibinalandra mo kaya sa may pintuan." Pagtataray ni Vanessa kay Rence.

Ngumisi naman si Rence saka naghalukipkip.

"And?" Sabi ni Rence, more like tanong dahil patanong nya itong sinabi.

"He's a black magician. Teka! Ano ba kasing ginagawa ng isang black magician dito Cap?" Takang tanong ni Patrick.

"Yan ang nais kong pag-usapan natin." Seryosong saad ni Rence saka may pinindot na button.

Lumubog naman ang lamesa ng paunti-unti. Maya-maya pa'y may tumataas rin.

Kulungan?

"Sino sya?" Hindi mapigilang tanong ni Mich.

May isang lalaking nakaupo sa loob ng kulungan. Nakaitim ito at may tattoo sa kanyang noo. Mababakas mo sa kanya na malakas sya. Nakatali ang kanyang mga kamay at paa. Gulo-gulo rin ang kanyang buhok at bahagyang namumula ang kanyang mga braso, teka. Sinuri ko ang kanyang mga braso gamit ang malaki kong mga mata, hmm. Singkit nga pala ako. Tinalasan ko ang aking paningin, doon ko natagpuan na hindi ito basta-bastang pagkapula lang, pinaso ito ng kung sino man.

But wait, something is wrong with me, parang kilala ko ang nasa kulungan.

Lumingon ako kay Rence na nakangisi pa rin. Bahagya akong kinilabutan sa kanyang ngisi, ngisi ng isang demonyo ang nakikita ko.

"Saan mo sya natagpuan?" Tanong ni Carlos na bahagya pa ring tinitignan ang lalaking nasa harapan namin na nakakulong.

"Sa ilalim." Maikling sabi ni Jayden.

Sa kanya naman ako napalingon ngayon na nag-iinspeksyon rin sa lalaki.

"Galing sya sa ilalim, ang kanyang kasuotan, ito'y kasuotan na ginagamit pagpumupunta sa ilalim." Dugtong pa ni Jayden. "Carl, ikaw ang galing sa ilalim tama? Maaari mo bang ikumpirma ang aking hinala?"

Bahagyang ibinaba ni Carl ang kanyang librong binabasa at saka tinapunan ng tingin ang lalaking nakagapos.

"Tama ka." Sagot ni Carl.

"Pero ang ilalim ay sakop ng academy diba? Paanong nakapasok sila roon?" Tila nag-iisip na tanong ni Ferresa.

"Yan ang nais kong imbestigahan natin. Kung ano na nga bang nangyayari sa ilalim." Madiin na sabi ni Rence bago bumaling sa amin ni Carl. "Kailangan ko ang tulong mo Carl, at kasama ka roon Cashmere Villacrusis."

"Captain!" Awat ni Frank.

Itinaas lamang ni Rence ang kanyang kamay na nagsasabing tumahimik na muna sya.

"Ano namang maitutulong ng isang baguhan Cap? Hindi ba't nawala rin ang kanyang kapangyarihan?" Naguguluhang tanong ni Rosby.

"Malaki ang maitutulong nya. Ako na mismo ang bahala." Sagot nya ng nakangisi pa rin.

Tinitigan ko ang lalaking nakagapos. Hindi nya naman siguro intensyon diba? Maamo ang kanyang mukha. Hindi naman sya mukhang masama. Paano kung hindi naman talaga sya masama? Black Magician lang sya ngunit di sya masama?

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon