Chapter 83: Fear

1.6K 59 7
                                    





~*~













(Third Person POV)













Sa paglipas ng mga araw sa binalikang panahon ng tatlong binata ay napalapit at nabago na ang kanilang kaunting pananaw sa mga tao sa dilim.

Ang noong matinding galit ay nawala, ang pagkasura ay napalitan ng pagmamahal at pagtanggap, ang kapangyarihan na binabalanse ay natutong sanayin sa gunita.


Hindi ba't magandang balita ito para sa ating mga mambabasa? Ngunit ano na nga bang nangyari sa kasalukuyan? May mababago ba? Magugulo o nagulo na ba talaga ang tadhana ng bawat isa? Sa tingin mo.......ano?









"Ang bawal na pag-ibig ay umusbong at sinikreto.

Nagkaroon ng supling at yumabong ang pagmamahalang hindi dapat mayroon.

Sa sikretong tinago, nagkagulo ang panahon at tadhana ng bawat isa.

Kailangan ang prinsesa upang maging alay sa pagtakbo ng oras........"










"Sinong prinsesa ang iyong pinapahiwatig taga-ani?" Maotoridad na tanong ng haring si Charles na kasalukuyang nakaupo ng tuwid sa kanyang gintong trono.

"Isang prinsesa na iyong iniingatan mahal na hari, magiging alay ang iyong anak!" Tila humalakhak na sabi ng matandang lalaking taga-ani.

"Lapastangan!" Malakas na sigaw ng hari bago patamaan ng nakakasilaw na itim na salamangka ang matanda.

Sa halip na mamilipit sa sakit ay tumawa pa ito ng malademonyo dahilan upang kumilos ang mga kawal ng palasyo paikot sa kanya.

Sa gilid ng isang malabong halaman na itim nakatago't nakasiksik ang batang babaeng si Cashmere na kakagaling lamang sa pagsasanay nila ng prinsipeng si Rence at Matthew, nais sana nyang puntahan ang ama at lambingin ito ngunit iba ang nadatnan nya.

"Tama ba ako mahal na hari? Ang pagmamahalan nyo ng isa sa mga dyosa ang pag-ibig na ipinagbabawal! At sya!" Muling dagdag ng matanda bago itinuro ng kanyang tungkod si Cashmere na nagulat sa pagturo ng matanda sa kanya. "Sya ang tatanggap ng lahat ng pagkakamali nyo! Sya ang magdudus------ahhh!"

Hindi na naituloy ng matandang lalaking taga-ani ang kanyang mga salita dahil hinigop na ni haring Charles ang kanyang katawan papunta sa isang dimensyon na tanging sya lamang ang nakakaalam at nakikinabang.

Tila nag-aapoy ito ng mawala sa kanyang tinatayuan.

Walang nangahas na nagsalita ng ilang segundo. Nanginginig man sa takot at pagkalito ay lumapit si Cashmere sa ama na ngayon ay nababalot ng itim na puso. Lumakas ang kapangyarihan nito dahil sa galit na nararamdaman.

"A-Ama." Pagtawag ng munting batang babae na si Cashmere sa kanyang ama na tila'y walang naririnig at nakapokus lamang sa kinatatayuan kanina ng matandang lalaki.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon