Chapter 58: Weird Actions

2.9K 110 4
                                    







~*~






(Cashmere's POV)




Isang malakas na tunog ng kampana ang pumukaw sa atensyon naming lahat sa gitna ng klase. Matapos ng ilang segundong pananahimik, agad na nagsigawan ang mga kaklase ko at nag unahang lumabas ng aming silid na tila hindi pinapansin ang pagsaway sa kanila ni Ma'am Salapare.

"RECESS NAAAAAA!"

Agad akong napatakip ng tenga ko nang sumigaw si Andrei sa gilid ko. Sinamaan ko sya ng tingin na ikinangiti lang nya ng nakakaloko.

"Hindi ako bingi pwede ba?!" Singhal ko sa kanya na ikinangiti pa nya lalo ng nakakaloko.

"Malay ko bang baka pati tenga mo nadamage sa pagkakabed ridden mo-----aray! Bat ka ba nangungurot Rugby!" Daing ni Andrei kay Rosby na nakapameywang sa harapan namin.

Tinaasan naman sya ng kilay ni Rosby. "Wag ka ngang magjoke! Hindi nakakatawa err ang corny. Tas anong rugby huh?! Walanjo ka!"

Napanguso naman si Andrei sa narinig at nagpapadyak na lang na pumunta sa likod ni Carlos na nagbabasa ng libro.

"Kakain ba kayo o hindi? Lamon na lamon na ako!" Sigaw ni Vanessa sa amin.

Agad naman akong naalerto. Akmang tatayo na sana ako nang may mga brasong pumulupot sa bewang ko pabalik sa pagkakaupo.

Tila nakakain naman ng mga kwek kwek at isaw sila Andrei habang nakatingin sa gawi ko bago sila dahan dahang umalis.

"Hoy ano ba?!" Naiinis kong lintaya. Buset sino ba to!

Naiwan naman si Dennis at Ice na nakamake face.

"Una na kami." Pagpapaalam ni Dennis habang pilit na nakangiti.

Saglit naman akong napakunot noo at nagtatakang napalingon kay Ice na nakabusangot ang mukha. Ginulo nya ang buhok ko bago sya nagmartsya papaalis. Susunod na rin sana ako nang maalala kong may nakayakap----teka NAKAYAKAP?! Wtf! Oo nga pala!

Akmang tatanggalin ko na sana ang mga brasong nakapulupot sa akin nang humigpit pa ito at ibinaon ang kanyang ulo sa leeg ko.

Yung amoy na yun. Di k-kaya.......

"C-Captain Re-Rence----"

"Ssssshh." Pagpapatahimik nya at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga nya sa may batok ko. Sheyt. Pero parang mas mainit ang mukha ko.

"Let's stay like this just for a while please." May himig ng pakikiusap ang boses nya.

Hindi ko alam pero rinig na rinig ko ang puso ko na ang lakas ng kabog. Parang lalabas na sa ribcage ko gad! Hinayaan ko na lang sya. P-Parang nag eenjoy ako sa yakap na to. May bayad ba to o trip nya lang o baka naman tss. Ano na namang pinag iisip ko? Malamang patuloy pa ring sinasapian yang Kapitan nyo. Ako lang ba? Ako lang ba ang nakakakaramdam na ang safe sa mga bisig nya, pakiramdam ko may napakalaki syang proteksyon na kayang pumotekta sa akin anumang oras? Malamang ako lang talaga makakaramdam kasi ako ang niyayakap. Waaaaaahh! Baka nananansing na to?! Huhuhuhu. Helff! Teka wag ka ngang madrama at ilusyonada. Ang gwapo naman nyang manyak. Did I just say he's handsome? *cough*cough* I'm insane. Really insane.

Nabalik naman ako sa reyalidad nang humiwalay na sya sa pagkakayakap sa akin at hinila na ako patayo.

"Kumain na tayo. Alam kong nagugutom na ang prinsesa ko." Bulong nya sa akin na ikinapula ng pisngi ko.

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon